Bakit mas nakalalamang ang babaeng marunong magluto?

Sabi nga, ‘the way to a man’s heart  is through his stomach’  kaya masasabi talagang malaking advantage kapag marunong kang magluto. Mas malaki ang tsansa mo na magkaroon ka ng forever. Ito rin ang mga napansin ko sa ilan kong mga kakilala. Maaaring sa simula ay naniniwala silang magkakaroon sila ng forever sa taong nagpatibok ng kanilang puso. 

Ngunit, sa huli, mas tumatagal ang pagsasama kung ang partner mo ay marunong magluto. Kahit pa siya ay di kagandahan, mas pinipili ng lalaki ang babaeng marunong magluto. Mas nararamdaman daw kasi nila ang pag ibig ng kanilang partner sa pamamagitan ng pagluluto lalo na ang laging niluluto ay ang paboritong putahe ng kanilang partner.

Ayon sa ilang kalalakihan kong napagtanungan, di naman mag aaksaya ng panahon ang isang babae na ipagluto ka kung di seryoso ang damdamin niya para sa’yo. Siyempre, ang nais niya ay mapasaya ng husto ang kanyang partner. Saka, ang nais ng mga lalaki ay iyong may mag aalaga sa kanila. Kaya, sobrang nasisiyahan ang lalaki  kapag dumarating ang panahon na makatagpo sila ng babaeng marunong magluto.

Kaya kung ikaw ay babaeng nagnanais na magkaroon ng pag asa sa lalaking kanyang nagugustuhan, kailangan mong matutong magluto. Ito kasi ang mabisang sandata para mapanatiling iyo ang pag ibig na iyong inaasam.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here