Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 4, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 4, 2020,  Sabado – Dahil a-kuwatro na ngayon ng taong 2020 at ang 20+20= 40 at ang 40 ay 4+0=4. Ibig sabihin bawat pinapangarap mo at papangarapin pa lamang sa taong ito ng 2020 ay matutupad ng biglaan at hindi mo inaasahan. Kaya sa araw na ito inuutusan ka ng langit na ikaw ay mangarap at ang lahat ng pangarap mo ay mbigla-bigla ding matutupad! Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 5, 16, 19, 37, 43, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2020 magsisimula  ng bumilis ng bumilis ang takbo ng mga araw, kasabay nito bibilis din ng bibilis ang ikot ng Gulong ng iyong Kapalaran at sa kanyang pag-hinto, ikaw ay masusupungang nasa pinaka-itaas, na kung saan, ang mga kaaway mo ay nasa ilalim ay mangha-mangha sa iyo matatamong kakaibang galing at tagumpay. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  5, 18, 27, 34, 43, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hanga sa iyo ang lahat dahil tila wala kang kapaguran. Kaya lang ang gusto ng langit ay sana sa taong ito ng 2020 ay sa pagpapalago ng kabuhayan mo gawin ang iyong kasipagan upang yumaman ka at lalo ka pang yumaman. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  4, 13, 22, 37, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Sa taong ito ng 2020 magmumula sa mga kaibigan mo ang iyong suwerte. Kaya ang payo sumama ka sa mga magaaya sa iyo kahit pa siya ay lihim na kinaiinisan mo. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero  6, 15, 30, 33, 39, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sa taong ito ng 2020 sarili mo ang pinaka-mahigpit mong kalaban. Kaya kapag tinalo ka ng awa, tanungin mo ang sarili mo kung dapat ba talagang kaawa ang isang tao. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 4, 18, 26, 35, 42, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na magkakaroon na ngkatuparan ang lahat ng iyong mga pinapangarap. Sinasabi ng langit na mangarap ka pa ng mangarap, upang mas lalo pang dumami ang mga katuparan at tagumpay sa iyong buhay sa taongito ng 2020. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero ang 1, 10, 19, 28, 34, 40.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mas tama ang pananaw mo kaysa sa nasa isip ng nakatataas sa iyo. Pero hindi nangangahulugang na sila ay susuwayin mo. Maghintay  ng tamang pagkakataon sa taong ito ng 2020 na ang kalooban mo naman ang masusunod. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 7,  19, 25, 37, 39, 42.  

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Aangat na naman ng isa pang level ang iyong tagumpay. Ibig sabihin muling magdaratingan ang suwerte at magandang kapalaran na nakakuwintas sa iyong leeg, kaya lalo kang kinaiingitan ng mga kaibigan mong malayo na napag-iwanan mo na ng milya-milya. Manatiling mapagpakumbaba, at ang suwerte ay manatili pa rin sa iyo sa buong taong ito ng 2020. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 3, 19, 25, 34, 36, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Suwerte ka ngayon at dahil sa sobrang galak, masasabi mong nagbabalikan na ang iyong mga buenas. Pahalagahan at ingatan mo ang mga magagandang bagay na ipagkakaloob sa iyo ng langit sa buong taong ito ng 2020 upang ito ay magtuloy-tuloy na mapa sa iyo sa buong buhay mo. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 21, 36, 42, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na kung kailan ay nasa mataas na antas ang iyong gayuman. Humiling ka sa mga taong nakatataas sa iyo at ikaw ay tiyak na pagbibigyan. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  3, 18, 21, 24, 36, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Dadalawin ka na naman ng kakaibang kalungkutan. Pero ang tunay na dahilan ng nasabing mga kalukutan, ikaw ay inuutusan ng iyong kapalaran na mag-mahal, dahil ang magmahal ang iyong tunay na kaligayahan. Kaya sa taong ito ng 2020, umpisahan mo ng magmahal at magmahal pa uli ng magmahal. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 8, 19, 22, 28, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Muli na namang malalagay sa ibaba ang kalagyaan mo. Pero akala mo lang iyon. Nangyayari lang ang mga bagay na iyan dahil masyado mong pinagbibigyan ang mga taong mahal mo. Subalit kikilos ang langit, at siya ay matatauhan, hihingi siya sa iyo ng kapatawaran at aabutan ka pa niya ng dagdag na pabuya sa mga ginawa mong kabutihan. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  2, 11,  16, 19, 25,  28.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Dumating na ang panahon na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang lahat mong kahilingan. Ngunit may isang kundisyon, hindi ka dapat mag-alinlangan. Kung may alinlangan ka sa iyong sarili, ibig sabihn, hindi pa ito ang panahon upang matupad ang iyon mga kahilingan. Kaya sa taong ito ng 2020, alam mo na ang gagawin mo, wag na wag kang mag-aalinlangan kahit kaunti man. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 6, 15, 30, 31, 34, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here