Nasubukan niyo na bang magmahal sa maling tao?

A man and a woman on a pier

Im sure maraming nakakaranas ng ganito, nagmahal ng isang taong hindi mo pa pala lubos na kilala, kung may asawa na ito o wala pa. Kung ugali ang pag-uusapan ay walang problema sa ugali.

Minsan napasok tayo sa isang relasyon ng hindi man lang nag-iisip, nakipag relasyon agad sa isang taong hindi mo pa lubos na kilala. Lalong-lalo na kapag may itsura ito o di kaya’y sa isang police o sa isang army ka nakikipag relasyon. Ang mga police at armies ay masyadong lapitin ng mga babae kaya kung may itsura ka at isa sa mga iyon ang nanliligaw sayo ay agad mo itong sinagot at nagdate kayo kung saan. Hindi mo man lang tinatanong kung may asawa na ba ito o wala pa.

Sa puntong natutunan mo na siyang mahalin o di kaya’y pakiramdam mo na parte na siya ng buhay mo ay saka mo pa naisipang tanungin siya kung ano ang plano niya sa relasyon niyo. Kapag ang lalaking walang awa o walang pakialam sa nararamdaman mo dahil pinaglaruan ka lang niya ay paiikutin ka lang niya sa kanyang palad at sasabihin na single siya. Subalit may mga pagkakataon talaga na may mga taong makapagsalita sa iyo tungkol sa minamahal mo, kadalasan sa makapagsabi sa iyo ay itong mga kasamahan niya sa trabaho dahil sila ang mas nakakakilala nito kaysa sa sayo. Ang nakakashock na balita ay kapag narinig mo sa mga taong kakilala niya na may asawa na siya, at kapag kinumpronta mo na siya ay nasabihan ka pa ng ganito “Huwag pilitin ang hindi naman para talaga sa iyo” Ang sakit-sakit kaya noon kapag narinig mo ang mga ganoong salita sa taong tinuturing mong parte ng buhay mo. Gustuhin mo man siyang sampalin ay Hindi mo magagawa dahil ikaw mismo ang pumasok sa relasyon ninyo na hindi man lang nagtatanong tungkol sa ka relasyon mo. Naging katawa-tawa ka pa at nagmukhang kawawa sa paningin ng mga kasamahan niya dahil alam ng mga ito na may asawa na siya. At ikaw namang si tanga ay laging pumupunta sa kampo nila o sa lugar kung saan siya nagtatrabaho.

Upang huwag mapasok sa ganitong kahihiyan ay kilalanin muna ang mga taong nakahalubilo mo o makikilala mo at huwag magtitiwala agad. Lalong-lalo na kapag gwapo ito, iyon pala ay may asawa na ito. Huwag padadala sa sinasabi nilang “makalaglag panty” ang kaguwapohan nito dahil sa bandang huli ikaw din ang kawawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here