Mga Dahilan kaya masarap maging single

Masarap maging single, ito ang katotohanang nararamdaman ko. Biro mo, malaya ako sa anumang desisyon ko sa buhay. Wala akong ibang ipinapriority kundi ang aking sarili. Kaya, talagang magagawa kong isa isahin sa’yo ang Mga Dahilan kaya masarap maging single

Una, sarili mo lang ang iniintindi mo. Ang sarap kayang mabuhay kapag sarili mo lang ang iyong iniintindi. Samantalang kung mayroon kang karelasyon, tiyak na mayroong kukontrol sa mga gusto mong gawin.

Pangalawa, magkakaroon ka ng pagkakataon na i develop ang iyong pangarap. Ako ay isang manunulat kaya naman nagagawa kong makapag concentrate sa larangang kinahihiligan ko. Kung mayroon akong karelasyon, baka mapabayaan ko lang ang pangarap ko.

Pangatlo, may oras ka sa’yong pamilya. Sila naman talaga ang tunay na nagmamahal sa’yo kaya nararapat lang na habang nandiyan sila ay ipakita mo kung gaano mo sila kamahal. Kung may karelasyon ka, tiyak na mababalewala mo lang sila.

Pang apat, makakapag impok ka. Kung may karelasyon ka, tiyak na lagi kang walang pera dahil kung gusto mong mapasaya siya palagi, ibibigay mo ang mga materyal na bagay na makapagpapaligaya sa kanya.

Panlima, wala kang kaaway. Kahit gaano ninyo kamahal ang isa’t isa, may mga bagay pa rin kayong di ninyo napagkakasunduan. Di rin maiiwasan na mapagtaasan ninyo ng boses ang isa’t isa na magiging dahilan para magkaroon kayo ng sama ng loob.

Ikaw, single ka rin ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here