Ang Relasyon ng Lalaki sa Lalaki

Masama ba ang pakikipag relasyon ng lalaki sa kapwa niya lalaki? Sad tingin ng marami ay talagang masama dahil kahit saang anggulo tingnan ay pareho silang lalaki. At ang nakakasama ay iyong nagtalik lalaki sa kapwa lalaki, at hindi pwede iyon kaya lumabas ang sakit na AIDS dahil sa pakikipagtalik ng lalaki sa lalaki at ang masaklap pa ay kapag nahawaan ang isang tunay na lalaki ng AIDS at siya ay nakipagtalik sa naging girlfriend niya na babae at ito ay nahawaan sa ganoong sakit hanggang sa ito ay patuloy sa paghawa ng ibang tao.

Ang pagiging bakla ng isang tao ay hindi nito sinasadya iyon, bagamat katulad din natin sila isang normal na tao na marunong ding magmahal at masaktan. Subalit ang kaibahan lang ay hindi nila sinasadyang magmahal sa kapwa nila lalaki. Ayaw man nila sa nararamdaman nila, pero kahit anong gawin nila ay sa kapwa lalaki pa din sila nagkakagusto.

Ang tingin natin sa kanila ay mga salot sa lipunan, ma professional man o Hindi ay pareho ang tingin natin sa kanila, iyong tingin na masyadong mababa, iyong tipong hindi nirerespeto. Kapag nakakakilala tayo ng mga bakla na kume-kembot-kembot ang beywang ay natatawa na tayo, dahil nga alam nating hindi ito bagay say kanila dahil ang katawan nila ay katawan ng isang lalaki. Ngunit anong magagawa natin kung ang kanilang mga puso ay isang pusong babae.

Siguro sa Bible sinasabi na bawal ang pagiging bakla o bawal makipag relasyon sa kapwa lalaki. Hindi ako naniniwala na walang bakla sa panahon ng ating panginoong jesukristo noong andito pa siya sa lupa, dahil kung mayroong bakla ngayon paano pa Kaya sa sina unang panahon? Siguradong may mga bakla noon subalit tinatago lang nila ang totoong kasarian at ang relasyon nila say kapwa bakla din. Hindi language siguro nahahalata dati dahil hindi sila makapagbago ng anyo katulad ng mga bakla ngayon, mas daig pa ang mga itsura ng tunay na babae.

Dito sa ating bansa ay hindi lang ang mga kristyano Ang nakatira kundi may mga pilipinong Muslim din, kung inaakala nating walang bakla sa muslim, nagkakamali Tayo dahil kung anong mayroon tayong mga kristyano ay ganoon din silang mga Muslim, may mga bakla din sa kanila na hindi ipinahalata doon sa kanila dahil bawal ito sa kanilang tribu o relihiyon. May ka relasyon din silang kapwa lalaki at doon sila nagkikita sa malayong lugar Kung saan walang nakakakilala say kanila, dahil sa relihiyong Muslim ay mahigpit itong ipinagbabawal say kanilang relihiyon.

Ang mga bakla ay dapat din nating respetuhin kung anong gusto nilang gawin sa buhay nila. Katulad ng pakikipag relasyon sa kapwa nila lalaki dahil hindi nila sinasadyang ang kanilang nararamdaman. Dapat nga tayong maawa sa kanila dahil ginagamit lang sila at peniperahàn sa mga lalaking nakarelasyon nila, Hindi sila siniseryoso sa mga ito. Siguro may nagseseryoso din sa kanila, iyong kapwa din nila bakla. Kaya may nakikita tayong mga bakla na nagtagal ang pagsasama nila sa kanilang relasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here