Payo sa mga nabi-break ng kanilang karelasyon

Masakit naman talaga kapag sinabihan ka ng taong mahal na mahal mo nang ‘break na tayo’. Kahit sabihin mong ayaw mo ay wala ka ng magagawa. Kaya lang, ano nga ba ang dapat mong gawin para ikaw ay agad na maka-recover sa sakit na iyong nararamdaman. Naririto ang aking Payo sa mga nabi-break ng kanilang karelasyon…

Una, alisin mo na ang komunikasyon mo sa kanya. Kung nakipaghiwalay na siya sa’yo, ayaw na rin niyang makipagkomunikasyon sa’yo kaya huwag mo na ipagpilitan pa ang sarili mo sa kanya. Kaya, i-unfriend mo na siya. Mas masasaktan ka lang kapag nalaman mong kaya ka niya hiniwalayan ay dahil mayroon na siyang iba.

Pangalawa, huwag mong sirain ang iyong buhay. Masakit naman talaga ang iwanan ka ng mahal mo pero, huwag mo naman isipin na katapusan na ng mundo. Kaya, huwag ka na uminom pa ng alak para magpakalasing.

Pangatlo, makipag-bonding sa pamilya at mga kaibigan. Sila ang tunay na nagmamahal sa’yo kaya sabihin mo sa kanila ang sakit na nararamdaman mo at siguradong matutulungan ka nilang maka-recover.

Pang-apat, abalahin ang sarili sa makabuluhang bagay. Kaysa magmukmok ka lang, maigi pang maglinis ka na lang ng kuwarto mo. Mabisa pang ehersisyo ang pagbubunot. Sikapin mong maging malinis ang bawat sulok ng inyong tahanan dahil makapagbibigay iyon ng suwerte kaya linisin mo na rin ang buong bahay ninyo.

Panlima, kumain ng masusustansiyang pagkain. Ito ang pangunahing pangangailangan ng tao, hindi ang karelasyon mong nang-iwan sa’yo kaya kaysa mag-hunger strike ka diyan, kumain ka na lang. Lilinaw pa ang isipan mo at baka sakaling maisip mo na marami rin siyang masasamang pag-uugali na di karapat-dapat na mahalin.

O, sana naman nakatulong ako sa mga broken hearted diyan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here