Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 2, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 2, 2020,  Huwebes – Sa taong ito ng 2020, wag kang matakot, itaya mo ang yong kapalaran. Wag kang mag-alala, matapos mog itaya ang iyong kapalaran, ang langit ay sumusubaybay sa iyo, kaya naman ang panalo ay tiyak na mapapa sa iyo Oo, sa taong ito gawin mong mabilis ang anumang maisipan mo upang ang gantimpala ng langit ay tiyak na mapasa iyo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  1, 13, 22, 29, 34, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa taong ito ng 2020 magkakasunod-sunod ngayon ang iyong mga suwerte. Hawakan mong mabuti ang mga biyayang mapapasakamay mo. Wag sayangin sa mga bisyo at sa mga walang kapararakang mga bagay at sa mga walang kakuwenta-kuwentang gawain.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 1, 10, 28, 38, 40, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Dasal at pagpapaganda ang magiging susi ng iyong magandang kapalaran sa buong taong ito ng 2020. Oo, walang duda, basta’t lagi ka lang magdasal at magpaganda, ang suwerte at buenas sa lahat ng aspeto ng buhay ay maaakit mo ng ng maaakit hanggang sa magtagumpay ka, Oo, sa taong ito ng 2020, yayaman ka at magiging maligaya. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  9, 18, 24, 33, 39, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Sa taong ito ng 2020 ilalagay ng langit sa harapan mo ang taong tutulong sa iyo. Kahit hindi mo siya makilala, tutulungan ka pa rin niya. Ang dapat lang ay making ka sa ibang tao, dahil kung marunong kang makinig at sumunod sa pinapagawa ng taong ilalagay ng langit sa harapan mo, isa-isa ng malulutas ang mga suliranin mo upang sa taong ito ng 2020 ay palitan ng suwerte at magagandang kapalaran ang lahat ng naranasan mong kalungkutan sa buhay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  8,  26, 37, 40, 44.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Balingkinita na kayumanggi ang kulay ng balat. Ito ang klase ng tao na magsisilbing pampasuwerte mo. Dumikit ka sa kanila kahit sandali lang at ikaw ay bubuenasin sa buong taong ito ng 2020. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 3, 12, 24,  39, 42, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Sa taong ito ng 2020 sa muling pag-ikot ng gulong ng kapalaran, ikaw ay matatagpuang sobrang masaya, dahil ikaw ay tiyak na mapasasa ibabaw. Kumapit kang mabuti, upang manatili ka sa tuktok,  – naghahayag  ng mahabang panahon ang suwerte at magandang kapalaran.   Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 19, 25, 34, 36, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magara ang kapalaran mo ngayon na nagsasabing mabubusog ka ng magagandang mga biyaya kahit hindi ka kumilos ng ilang araw, dahil ang mga biyaya ng langit sa taong ito ng 2020 ay palagi ng mapapa sa iyo. Ang isa pang magara sa iyong kapalaran, madodoble ang mga suwerte at buenas kung kikilos ka pa at magsisikap.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  1, 5, 15, 32, 41, 45.   

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Sa taong ito ng 2020 kakaiba ang iyong kapangyarihan dahil ang sinomang mahawakan mo ay makararanas ng magandang kapalaran. At ang sinumang mayakap mo at maakbayan ay lalo pang susuwertehin at magtatamo ng mas marami pang magagandang kapalaran sa buong taong 2020. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 2, 16, 25, 34, 40, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Aawit kang mag-isa, ito ay tiyak na mangyayari sa yo ngayon. Ang mga awitin mo ay masasayang piyesa. Palatandaan na dininig na ng langit ang iyong mga kahilingan. Sa buong taong ito ng 2020 susuwertehin ka na ng susuwertehin ng tuloy-tuloy at walang tigil. Bukod sa berde mapalad  din ang yellow. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 30, 33, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Sa taong ito ng 2020 magugulat ka, kahit anong iwas ang gawin mo, ikaw ay labis na magtataka laging lalapit ng lalapit sa iyo ang sinusuwerte. Bahaginan mo ang mga taong kapos-palad, dahil ang katotohahan, napunta sa iyo ang kanilang buenas. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6,  19, 27, 35, 37, 42. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Gamitin mo ang iyong tapang at lakas ng loob sa pakikipagsapalaran sa mga bagay na pagkakaperahan tulad ng negosyo at pangangalakal. Ito mismo ang utos sa iyo ng kapalaran mo at makaaasa ka sa taong ito ng 2020 magsisimula na ang iyong lalo pang pagyaman. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 4, 19, 31, 34, 37, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw sa taong ito ng 2020 upang magbulaybulay ka. Ibig sabihin dapat ay tumahimik ka ng ilang saglit saka mo pag-aralan ang iyong mga plano batay sa iyong mga naranasan. At pagkatapos  ipatupad mo ito batay naman sa intuition mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  11,  25, 34, 38, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa taong ito ng 2020 sobra ang iyong lakas ngayon. At ang anumang sobra ay hindi maganda. Kaya ang payo,  pakinggan mo ang sinasabi ng iyong mahal, para sa ikabubuti ng kapalaran mo lalo na sa taong ito ng 2020. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 13, 27, 37, 40, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here