Sino ang iyong mamahalin ung dati pa? O yung ngayon mo lang nakilala?

At window

Kadalasang sinasabi ng mga tao ay kung mag-aasawa daw tayo ay piliin natin iyong nasa malapit lang at kilala pa natin, dahil kung mag-aasawa daw tayo ng mula sa malayong lugar ay hindi daw natin alam kung ano ang ugali nito at kapag dinala na tayo sa lugar nila hindi natin alam kung anong gagawin nito sa atin.

Kung kayo ang pagpipiliin, sino ang dapat mong mahalin, ang matagal mo ng kakilala o iyong kakikilala mo pa lang? Siyempre hindi natin alam ang sagot di ba? Dahil hindi natin matuturuan ang ating puso kung sino ang pipiliin at mahalin nito. Hindi naman tayo basta-basta nalang pumili ng taong pakasalan at aayon sa mga sinasabi ng mga tao. Dahil minsan iyong taong iniisip natin na kilala na, ay hindi pa pala.

Maraming nakapag-asawa ng kapit bahay lang nila ngunit marami din ang nakapag-asawa na mula sa malayong lugar. Hindi natin hawak ang ating mga kapalaran , at mas lalong hindi naman pupuwedeng basta nalang tayo pumili ng papakasalan natin dahil tayo lang din ang magsisisi sa bandang huli, lalong-lalo na kapag wala kang nararamdaman sa taong napili mong pakasalan. Tapos kapag nakasal na kayo at saka mo pa makikita iyong pakiramdam na siya na talaga ang gusto mong makasama habang buhay.

Totoo iyong may mga taong nakalaan para sa atin talaga dahil kapag natagpuan mo na ang taong iyon ay hahawakan mo pa lang o kahit damhin mo ang mga palad niya sa palad mo ay mararamdaman mo na iyon. Kaya huwag tayong padalos-dalos ng desisyon ng dahil lang sa sinasabi ng mga tao o di kaya’y mga kamag-anak mo. May kanya-kanya tayong buhay at may kanya-kanyang desisyon. Tayo ang magdedesisyon para sa sarili natin at para na rin sa ating kasiyahan sa hinaharap

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here