Pag Ibig Tips: Huwag puro salita

Sabi mo, mahal mo ang iyong karelasyon pero, bakit hindi niya ito maramdaman? Sa tuwing titingnan mo ang kanyang mga mata ay mababakas doon ang kalungkutan kaya lang di mo pinapansin. Damang-dama mo naman kasi ang kanyang pagmamahal para sa’yo kaya di mo naiintindihan kung bakit parang ang bigat-bigat pa rin ng kanyang kalooban. Ang iisipin mo nga lang ay baka masama ang kanyang pakiramdam.

Pero, naisip mo ba na masama ang loob niya sa’yo? Nakukuha mo bang makipagkuwentuhan sa kanya? Tinatanong mo ba kung ano ang kayang gusto at kung may dinaramdam ba siya?

Oy, kailangan naman ay alam mong sagutin ang tanong kong ito. Importante sa magkarelasyon na alam ninyo ang iniisip at gusto ng bawat isa. Kahit pa kasi sabihin mong mahal na mahal ka niya, may pagkakataon din na makakaramdam siya ng pagkasawa kapag dama niyang kulang na kulang ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya.

Para sabihin ko sa’yo, di sapat iyong lagi mo lang sinasabi sa partner mo na mahal mo siya pero di mo naman napapatunayan sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Kaya, habang di pa nahuhuli ang lahat. Kailangan ay gawin mo ang ilang Pag Ibig Tips na ibibigay ko sa’yo para di mahinto ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa’yo.

  1. Makipagkuwentuhan ka sa kanya  – kahit gaano ka ka-busy sa’yong trabaho, maglaan ka ng oras para sa kanya. Sa pamamagitan nito ay mararamdaman niyang importante siya sa’yo.
  2. Maging sensitive ka sa kanyang damdamin –  Kung may nasabi kang magiging dahilan para sumama ang loob niya sa’yo, humingi ka na sa kanya ng sorry. Palisin mo na sa kanyang dibdib ang anumang tampo na nararamdaman niya. Kaya importante na bago kayo matulog ay maayos na ang inyong problema.
  3. Maging malambing ka sa kanya – Kahit naman sigurong tao ay kikiligin kung malambing sa kanya ang partner niya kaya ganu’n ang gawin mo sa partner mo. Lambingin mo siya para di siya maghanap ng paglalambing sa iba.

O, sana naman sa Pag Ibig Tips ito ay makuha mo na baguhin ang mali mong istili. Hindi maaari iyong panay lang ang sabi mo ng I love you pero di mo naman ipinararamdam sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here