Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 1, 2020

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Enero 1, 2020,  Miyerkoles – 2020 na, ibig sabihin, doble-dobleng suwerte ang ipagkakaloob sa iyo ng langit sa taong ito ng 2020. Kaya ito ang panahong mangarap ka at taasan mo pa ang iyong mga pangarap, dahil paniguradong ito ay isa-isa  ng matutupad. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 7, 17, 24. 28. 34. At 43.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Suwerte ka ngayon at dahil sa sobrang galak, masasabi mong nagbabalikan na ang iyong mga buenas. Pahalagahan at ingatan mo ang mga magagandang bagay na ipagkakaloob sa iyo ng langit sa buong taong ito ng 2020. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 21, 36, 42, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Dahil sa ikaw ay likas na may malinis na puso. Ang kaligayahan mo ang pangunahing hangad ng nasa itaas sa taong ito ng 2020. Ito ay para humiling ka sa langit. Imposible man o mahirap mangyari ang hinihiling mo. Igagawa ka ng paraan para sumaya ka lamang at matupad ang lahat mong kahilingang sa taong ito ng 2019. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 5, 19, 22, 36, 40, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Panalo, galak at kaligayahan. Ito ang ginagarantiya sa iyo ng taong ito ng 2020 Kaya kahit kailan sa buong taon wag na wag mong aatrasan ang hamon ng kapalaran. Dahil sa bandang huli gaano man kahirap ang laban, ikaw ang magawawagi at magtatagumpay at ang tagumpay mo ay paniguraong may kasamang ligaya ng puso at  kagalakan ng kaluluwa. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  1, 18, 27, 29, 32, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kasalukuyan ng sinusulat sa aklat ng kapalaran ang pangalan mo, upang itala na ang 2020 ay isa sa mga taon na magiging pinakamapalad mong taon. Kaya ngayon pa lang magpasalamat ka na sa nasa itaas.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 14, 22,  32, 41, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Sa taong ito ng 2020 mahalin mo ang sa iyo ay mga nakatutulong lalo na ang mga tauhan mo. Ibig sabihin wag kang maging walang hiyang amo. Sapagkat masuwerte sa iyo ang taong ito ng 2020 sa pagkakaroon ng maraming-maraming pera. Ang iyong negosyo ay aangat sa mas mataas na level. At habang umaandar ang bawat araw sa taong 2020, paaangat pa ng paangat ang iyong pag-asenso. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 4, 18, 30, 32, 37, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa taong ito ng 2020, kung ano ang malaki, yon ang mapupunta sa iyo. Malaking kita, malaking parte at malaking kagalakan. At kung ano ang mapapakinabangan mo  ito ang  ilalaan ng kapalaran para sa iyo. Wala kang dapat gawin sa ngayon kundi ang magalak at umawit, dahil sa taong ito ng 2020 malaking-malaking suwerte rin ang bigla mo matatanggap. Mapalad ang kulay na apple green.  Masuwerteng numero 5, 10, 25, 37, 41, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Dahil mahal ka ng langit umasa kang sa taong ito ng 2020 papatamis pa ng papatamis ang iyong karanasan, ganon din ang ugnayan nyo ng mga mahal mo sa buhay. Paparami rin ng paparami ang pasok ng pera sa kabang-yaman. Kaya sa buong taong ito ng 2020, anuman ang gawin mo patuloy kang magkakapera at magiging maligaya. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 28, 39, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ngayon na ang panahong upang itodo mo na ang lakas ng iyong loob dahil ito na, ang taong ito ng 2020, ay ang magandang pagkakataon para humingi ka ng pabor sa mas nakatataas sa iyo. At ito na rin ang pagkakataon upang masimulan mo ang lahat ng proyektong noon mo pa binabalak gawin.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  9, 14, 29, 32, 34, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)Muli kang binilang sa mga mapapalad na nilalang para sa taong ito ng 2020. Ibig sabihin kusang magdaratingan sa buhay mo ang masasarap na kaganapan na sa iyo ay magbibigay ng sobrang saya at sobrang kaligayahan. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 3, 6, 21,  39, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Oo may mga kokontra pero kapag may sasalungat sa iyong mga kagustuhan sa taong ito ng 2020, sila ay tiyak na magigiba at mawasak. Kaya sa parte mo, ituloy mo lang ang iyong mga plano, dahil walang magagawa sa iyo ang lahat ng sa iyo ay kokontra, sapagkat parang pagkaing inihain sa ibabaw ng mesa, isa-isa mong pipitasin ang masaganang tagumpay na ipagkakaloob sa iyo ng langit sa buong taong ito ng 2020. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 12, 18, 30, 39, 45.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa buong taong ito ng 2020 nakahanda na ang mga kaibigan mo sa pagtulong sa iyo. Hindi dahil ikaw ay mahina, kundi sila ang mga tunay na nagmamalasakit sa iyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 11, 25, 37, 40, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ngayon mo na matitikman ang mga bunga ng iyong pinaghirapan. Kaya kapag nahihirapan ka sa taong ito ng 2020, lihim kang matuwa at magpasalamat dahil ang ibig sabihn nito ay may aanihin ka na namang suwerte at malaking tagumpay. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  1, 13, 28, 37, 41, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here