Alamin: Dahilan kaya kailangan ng teens nang sapat na tulog

Ayon sa pagsasaliksik, ang teenagers ay kailangan pa rin sa sapat na tulog para mapanatili ang lakas ng kanilang katawan at malinaw na kaisipan. Kaya, dapat ay nakakatulog pa rin sila ng walo hanggang siyam na oras sa loob ng isang araw para di mo sila makikitang nanlalata kinabukasan.

Kung minsan, kapag naging teenager na ang ating anak ay hinahayaan na lang natin silang matulog sa kung anumang oras na kanilang gustuhin. Naiisip kasi natin na tumatanda na sila kaya dapat lamang na magkaroon na sila ng sariling desisyon. Kaya nga lang, kung minsan, di pa rin nila nagagawang intindihin ang mga desisyon na makakasama sa kanila at kabilang na roon ay ang malimit nilang pagpupuyat.

Kapag kasi bata ka ay pakiramdam mo ay sobrang aktibo ka kaya makakaya mo ang lahat. Magpupuyat ka sa paggamit ng gadgets at kakaunting oras lang ang itutulog mo. Kaya, hindi mo namamalayan na nanlalata ka na pala. Ang resulta tuloy, naaapektuhan ang iyong katawan pati na rin ang iyong isipan.

Kapag ikaw ay puyat ay parang wala kang sigla na gumalaw, nakakaramdam ka rin ng sobrang panlalata. Pagkatapos, dahil sa inaantok pa ang iyong isipan, ay hindi ka nakakapag-isip ng tama. Agad kang nasasaktan kapag may nasabi sa’yo ang isang tao na maaaring maging dahilan para ma-depress ka.

Mga magulang, huwag natin hayaan na ang masunod na lang palagi ang ating mga anak. Kapag nakataya na ang kanilang kalusugan, kailangan din natin silang pagsabihan ng di nila dapat gawin. Ipadama rin natin sa kanila na kahit na teenager na sila, dapat pa rin nilang sundin ang sinasabi ng kanilang mga magulang.

Ang sleep expert na si Professor Kevin Morgan sa Loughborough University ay nagsasabing ang tulog ay napakaimportante sa ating katawan, lalo na sa mga teenagers. Kaya, habang may pagkakataon pa sila ay sulitin na nila ang kailang pagtulog dahil kapag tumanda na sila ay baka hanap-hanapin din nila ang pagkakataon na makakatulog sila ng mahimbing.

Kung inyo ring susuriin, ang mga teenagers na mayroong sapat na tulog ay may malakas na pangangatawan kaya naman nagagawa nilang magtagumpay sa mga akibidad na kanilang sinasalihan. Tapos ang estudyanteng nakakakuha ng matataas na marka ay mayroon ding kumpletong tulog.

O, matutulog ka na ba ng maaga?

Source:

https://www.dailymail.co.uk/sciencetech/article-7831119/Sleep-vital-teenagers-mental-physical-development-experts-tell-parents.html

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here