Suportahan natin ang mga kabataan higit lalo sa mga gifted

Ang pagpapalaki ng isang batang creative, talented at advance mag-isip ay dapat nating suportahan. Suportahan natin ang mga kabataan higit lalo sa mga gifted.

Ang pagiging creative na tao ay hindi basta-basta lang iyan nakakuha, nasa tao iyan o sa batang masipag talagang gumagawa ng kung anu-anong makabuluhan sa buhay.

Hindi lahat ng bata ay masisipag, may mga bata na puro laro lang ang iniisip at naghihintay lang na utusan ng kanyang mga magulang o sa mga nakakatanda sa kaniya. Ang mga batang puro laro lang ang lniisip ay ang mga batang tamad, hindi tumitingin sa mga magulang kung napapagod ba o hindi, hindi marunong tumulong sa mga gawaing bahay. Ang mga tamad na bata ay iyong mga matitigas ang ulo. Dalawa lang ang mapagpipilian kung bakit ganoon ang ibang bata, una hindi pa nagmatured ang isipan nito, in short masyado pang isip bata ito, o di naman kaya ay matigas talaga ang ulo nito at may sarili siyang mundo. Ang mga batang ganoon ay hindi mapagsabihan dahil ang gusto talaga nito ang kanyang gagawin. Paglaki ng ganitong klaseng bata ay wala itong future o walang magagawa sa buhay dahil wala itong kaalam-alam sa mga gawaing bahay o trabaho.

Ang mga batang masisipag naman ay mahilig gumawa ng kung anu-anong bagay at mahilig tumulong sa mga gawaing bahay. Ang isip ng isang masipag na bata ay nakasentro sa kung ano ang gagawin niya at magagawa pa niya. Ginagawa niya ang nakahiligan niyang gawin, halimbawa mahilig siyang magdrawing o magpinta o di kaya’y mahilig mag imbento Ng kung anu-anong bagay. Tayong mga magulang kung sakaling may mga anak tayong ganito ay suportahan natin, huwag natin silang I discourage na huwag gawin ang kanyang nakahiligang gawin. Huwag natin silang sabihan na “Tigilan mo nga yang walang kakwenta-kuwentang ginagawa mo”!! Huwag na huwag nating ginaganyan ang mga batang may kakayahan na gumawa ng hindi natin magagawa dahil balang araw hindi natin alam isa na pala siya siya magiging pinaka-mayaman sa ating bansa. At makakatulong na pala siya sa mga mahihirapan na walang trabaho.

Ang batang may tinatagong talento ay nakukuha nito sa mga kadugo nito, dahil may mga pamilya talagang may talento. Ang iba naman ay masipag lang talagang matututo.

Ang mga talentadong tao ay hindi mo  malait-lait lalong-lalo na kung mahirap lang ito. Isipin natin na may magagawa sila na hindi natin kayang gawin, ibig sabihin hindi kayo magka level at angat siya sa iyong walang talent kahit isa kapang mayaman na tao. Dahil kung wala ang yaman mo wala kang magagawa sa buhay mo diba? Samantalang ang mga talentadong tao ay magagawa nito ang gustong gawin nito katulad ng paghahasa ng talento nito. Kaya dapat suportahan natin ang mga talentadong bata.

Ang mga sumusunod ay ang mga kaugaliang mayroon ang isang creative o talented na bata.

*Siya ay gagawa ng paraan o maghahanap ng magagamit say kanyang gagawin kahit gaano kasimpleng bagay lang ito.

*Makakahanap siya agad ng paraan upang masolve ang isang problem.

*Siya ay laging nangangarap Ng gising.

*Matututong tumayo sa sariling paa, may sariling paraan sa paggawa ng mga bagay.

*Susugal talaga ito kapag may gusto siyang gawin.

*May sarili siyang mundo, katulad ng musika, pagpepenta, at pagsusulat.

*Sa isang laro kung sa tingin niya ay Kaya niya itong gawin, ay gagawa siya ng sarili niyang version.

Tayong mga magulang ay makikita natin kung ang ating mga anak ay may talent dahil may sarili siyang mundo. Bubukod siya sa mga kalaro niya at gagawin ang nakahiligan niyang gawin. Kapag malungkot siya ay ginagawa niya din ang nakahiligan niyang gawin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here