Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 31, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 31, 2019,  Martes – Marami nang mga pangako ng tao ang sumablay, ngunit may bagong pangako ngayon sa iyo ang langit na kalian man’y hindi-hindi sasablay. Ang pangako, pagkakalooban ka ng magandang kapalaran at suwerte sa pag-ibig at sa materyal na bagay at ito ay magsisimula na ngayon at sa buong taong 2020. Basta ang mahalaga, lagi kang manalangin, manalig at wag na wag kang mag-aalinlangan. Mapalad ang kulay na magenta.  Masuwerteng numero 1, 13, 16, 25, 29, 47. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Inuutusan ka ngayon ng iyong kapalaran na lasapin ang mga suwerteng nasa sa iyo na. Ibig sabihin, sa mga huling oras ng taong 2019, kahit panandalian lang ay namnamin mo ang lasa ng masarap mong buhay. At pagkatapos pagpasok na pagpasok ng taong 2020, mamayang gabi, sabihin mo sa sarili mong “Bagong Buhay ka na at may bagong-bagong suwerte at magagandang kapalarang darating!” Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  4, 19, 22, 34, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Habang sinasalubong ng lahat ang papasok na Bagong Taon isa lang ang dapat mong maging attitude. Magsaya ka at magalak! Dahil habang nagsasaya ka ang masayahin mong aura ang siyang hihigop ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa buong taong 2020. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 1, 8, 26, 31, 41, 43

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Susukatin ng langit kung gaano ka katapang ngayon. At kapag nakitang sapat ang tibay ng iyong loob, mabilis na bubuhos sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran na magsisimula ng dumating sa pagpasok na pagpasok ng taong 2020. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 25, 29, 34, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mabait ka kasi, kaya naman iyong-iyo ang taong 2020. Ang pintuan ng langit ng awa ay ibubukas sa iyo sa  buong taong ito ng 2020. Anoman ang hilingin mo ay magkakatotoo. Kaya sa Bagong Taong ito, makikita mo, humiling ka para sa ikabubuti mo at ito ay ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 17, 25, 29, 38, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sa taong ito ng 2020 ibinilang ka sa mga mapapalad na nilalang. Ibig sabihin kusang magdaratingan sa buhay mo ang masasarap na kaganapan na sa iyo ay magbibigay ng sobrang kaligayahan. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 3, 6, 21,  39, 42, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kahit itago mo ang iyong ganda, lilitaw ito at ang likas mong ganda sa panloob at sa panlabas ang hihigop ng magagandang kapalaran at dagdag pang suwerte sa taong 2020. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 6, 12,  24, 33, 39, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Sa taong ito ng 2020 may bibihag sa iyo ngayon. Bibihagin ka ng suwerte at magandang kapalaran. At ito ay mananatili hanggang sa buong taong 2020, pero may kundisyon. Linisin mo at pagandahin ang inyong bahay, lalo na ang silid tulugan ng inyong pamilya. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 2, 18, 27,  33, 39, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Gamitin mo na ngayon ang iyon lucky charm mula sa karagatan dahil ito ang magsisilbing panghatak mo sa mga magagandang kapalara sa buong taong ito ng 2020, lalo na ang isang rare o kakaibang bagay na kulay pula na nakukuha sa ilalim ng dagat. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  7, 19, 28, 36, 40, 44.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ipapakita sa iyo ng langit ang kanyang kadakilaan at bubuksan sa iyo ang pinto ng grasya. Isa ka sa unang-unang makatatanggap ng malaki at maraming magagandang kapalaran sa pagbungad pa lang na pagbungad ng taong 2020. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 12, 24, 30, 33, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Inaasahan ng langit na patuloy mong tutulungan at paglilingkuran ang iyong kapwa at ikaw naman ay makaaasa na hindi magsasawa ang nasa itaas na pagkalooban ka ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa buong taong 2020.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  8,  21,  23, 34, 36, 44.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa taong ito ng 2020 Oo, kakaibang buenas ang makukuha mo sa mga taong kontrabidad sa buhay mo at sa mga kabaligtaran ng iyong ugali. Ang ilang suwerte na inaayawan nila ay mapupunta sa iyo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 10, 13, 37, 34, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Pagbabalik tanaw. Ito ang pangalan ng araw na ito. Oo, kailangan mong balikan ala-ala ng lumipas na nagbigay saya sa buhay mo. Dahil kung paano ka magiging masaya sa araw na ito ang buong taong 2020 ay magiging masaya rin. Kaya nga kapag hindi sinasadyang pumasok sa iyong isipan ang malulungkot na nakaraan, itakwil mo agad ang mga ito. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 5, 10,  28, 29, 31, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here