BAKIT MO KAILANGANG MAGPAMASAHE?

Marami ang nag-iisip na ang pagpapa-body massage ay isa lamang luxury o indulgence. Pero ang totoo ay napakarami nitong benepisyo hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa mental at emosyonal na aspeto.

REDUCES STRESS, ANXIETY, DEPRESSION

Ang masahe ay nakaka-reduce ng stress levels sa karamihan ng mga tao. Nakakatulong din ito sa pagma-manage at pagre-reduce ng symptoms ng anxiety at depression. Ayon sa report ng Associated Bodywork & Massage Professionals, ang masahe ay nakapagbibigay ng iba pang benepisyo tulad ng mas maayos na tulog, increased energy, better concentration at less fatigue.

PAIN AND STIFFNESS RELIEF

Ang full body massage ay nakakatulong sa paga-alis ng pain and stiffness ng katawan. Sa pamamagitan din nito ay nare-release ang endorphins na umaakto bilang pain reliever. Ang mga athletes na mayroong sore muscles mula sa intense workout o mayroong injury ay maaaring makakuha ng benepisyo mula sa masahe.

INCREASED CIRCULATION

Ang masahe ay nakakatulong sa pagi-increase ng blood circulation kaya nakakarating nang maayos ang oxygen at nutrients sa mga tissues at organs. Nagdudulot man ang masahe ng positibong benepisyong medikal, mabuting ipagpatuloy pa rin ang regular medical care sa tulong ng isang health care propesyonal lalo na kung mayroong medical condition.

SKIN BENEFITS

Ang full body massage ay nakakatulong sa paga-alis ng dead skin cells sa buong katawan na nakaka-improve ng skin tone. Ang magandang daloy ng dugo ay nagbibigay din ng benepisyo sa appearance at health ng balat. Nakakatulong din ang masahe sa tissue regeneration na nakakapagpa-reduce ng appearance ng scars at stretch marks. Ang massage oil ay nakakatulong sa pagmo-moisturize ng balat at nagbibigay pa ng ibang benepisyo depende sa klase ng oil na ginamit.

IMMUNE SYSTEM FUNCTION

Ang full body massage ay nakakatulong sa functionality ng immune system. Inii-stimulate kasi nito ang lymphatic system na naga-assist sa immune system sa pagpo-protekta ng katawan.

MIGRAINE PAIN RELIEF

Kadalasan, ang migraine ay nati-trigger ng stress at kawalan ng sapat na tulog. Ayon sa pag-aaral na na-publish sa Annals of Behavioral Medicine, napag-alaman ng mga researchers na ang mga participants na regular na nagpapamasahe ay mayroong mas maayos na pagtulog at nabawasan din ang pag-atake ng migraine.

LOWERING BLOOD PRESSURE

Ang high blood pressure ay isang nakakatakot na kondisyon na maaaring mauwi sa stroke at heart attack. Ayon sa pag-aaral na nasa journal ng Biological Research for Nursing, ang mga tao raw na mayroong at least tatlong 10-minute back massages bawat linggo ay mayroong mas mababang blood pressure kumpara sa mga taong hindi nagpapamasahe.

INCREASING FLEXIBILITY

Ang masahe ay nakakatulong sa pagme-maintain ng flexibility at range of motion dahil sa pagwo-work nito ng muscles, connective tissue, tendons at ligaments at sa pagsi-stimulate nito ng production ng natural lubricants sa pagitan ng mga connective tissues fibers.

BREAKING BACK PAIN

Ang back pain ang isa sa mga rason kung bakit nagpapamasahe ang mga tao. Pero marami ang may hindi alam kung gaano kalaki ang tulong ng massage treatment. Ayon sa pag-aaral na nasa Annals of Internal Medicine napag-alaman na mas epektibo ang massage therapy sa paga-alis ng back pain kumpara sa ibang therapies tulad ng acupuncture at spinal modification. Nire-reduce rin nito ang paggamit ng painkillers by 36 percent.

CURBING CARPAL TUNNEL

Ang Carpal Tunnel ay isang masakit na kondisyon kung saan ang median nerve na kumokonekta sa braso at kamay ay naiipit sa wrist ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke. Ang mga symptoms ay burning, tingling at numbness sa palm, thumb at middle fingers.  Maaari rin itong humantong sa pagkakaroon ng difficulty sa pagsasara ng kamao at paghawak sa maliliit na bagay. Ang mga treatments na ginagawa ay medication, wrist braces at surgery. Pero ayon sa paga-aral na nasa Journal of Body Work and Movement, ang mga pasyenteng may Carpal Tunnel Syndrome na regular na nagpapamasahe ay mayroong less pain, reduced symptoms at improved grip strength.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here