HALAMANG GAMOT : ANG ALAGAW

“Sure na BOW and BOW and BOW ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mo ang galing at husay ng halamang ALAGAW!”

ANG ALAGAW!

Ayaw bang mawala ng sipon mo. Maraming gamot na ba ang nasubukan mo? Hindi ka ba makatulog sa gabi sa iyong sipon at sa daytime hindi mo maiwasang makita ng mga tao na may matinding sipon ka?

Tapos na ang iyong problema!

Kumuha ka ng   10 dahon ng ALAGAW , pakuluan mo ng mga kalahating oras.

Isang baso kada  4 na oras, inumin mo. Sa gabi bago ka matulog uminom ka  rin ,isang baso din.

Tunay na nakakamangha ang alagaw para labanan ang matinding sipon.

Bukod pa sa ang alagaw  na regular na iniipon ay  may kakayahan ding pagalingin ang TB o sakit sa lungs.

Masakit ba ang ulo mo, kumuha ka ng dahon ng alagaw,. Didikdikin mo ng bahagya at itapal mo sa ulo mo sa bandang sentido at sa noo.

Pinahihirapan ka ba ng kati sa katawan, magpakulo ka ng mga dahon ng Alagaw at gamitin mong panligo, pwedeng pwede rin na ito na mismo ang ipaghugas mo sa bahagi ng katawan mo na may kati.

Pwede ring ang dahon ng alagaw ay ikiskis mo mismo sa katawan na may kati.

Bukod pa dito, ang mga dahon ng ALAGAW ay ginagamit din na parang sa panbalot ng lumpia , kumuha ka ng  ilang  dahon, lagyan mo ng pinong laman ng isda o pinong laman ng baboy or manok, lagyan mo rin ng sibuyas, kamatis at luya.

Iprito mo, o ihawin mo! Nakapakasap ang lasa at kakaiba pa. Pwede ka ng kumita kung iyong ibebenta.

Oh! ”Di ba mapapa- BOW ka sa galing at husay ng halamang ALAGAW !!!

GOOD LUCK AND GOD BLESS!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here