Dalawa kayo sa buhay ng minamahal mo

Kaya mo bang makipag agawan sa ibang babae para sa minamahal mo? Ano ang gagawin mo kapag nalaman mo na dalawa pala kayo sa buhay ng minamahal mo?

Minsan nagtataka ka kung bakit ayaw kang paalisin ng boyfriend mo sa bahay niyo, kapag may gusto kang puntahang lugar at hindi ka niya pinapayagang umalis. Minsan kinikilig ka din kapag ganyan ang ginagawa niya sa iyo, iniisip mo na may pakialam talaga siya sa iyo. At dahil diyan ay subrang saya mo na at sinusunod naman ang sinasabi ng boyfriend mo. Hindi mo alam na kaya niya ginagawa iyon ay upang hindi  mo makikita ang ginagawa niya, dahil may posibilidad na nagkikita kayo sa isang lugar, lalong-lalo na kung nakatira lang kayo sa isang lungsod.

Subalit may karma talaga ang isang tao at may kasabihang “walang usok na nahahawakan”. Nalalaman mo nalang ang pagiging two timer ng boyfriend mo kapag ikaw ay may pinuntahang emergency sa isang lugar at nagkataon na andoon pala ang mahal mong boyfriend at may kasama pang ibang babae. Ang masaklap pa ay nakikita ka ng magaling mong boyfriend subalit umaasta itong hindi ka kilala at dumaan lang kasama ang ibang girlfriend nito sa harapan mo.

Ano kaya ang mararamdaman mo kapag nasa ganoon kang sitwasyon? Maatim mo ba siyang lapitan at sampalin gayong umaakto siyang hindi ka kilala?

Magkaiba tayong lahat sa tinatakbo ng isip subalit kung ako Ang tatanungin ay hahayaan ko na siya at hindi ko na siya papansinin habang buhay, at maghahanap nalang ng ibang lalaking mas deserving sa akin sapagkat marami naman diyan na pwede pagpilian. Who knows naman diba na iyong soulmate mo ay nasa malapit lang at isa pala sa mga tinuturing mong kaibigan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here