Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 29, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 29, 2019,  Linggo –  Nakita ng langit kung paano mo inaalagaan ang iyong career at hanap buhay, kaya ang araw na ito ay tatawaging papalago. Sa araw na ito makikitang ang mga tinanim mo para sa iyong kinabukasan ay magsisiyabong hanggang sa tuluyang makamit mo ang kaunlaran. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 4, 15, 25, 29, 31, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Doble ang ganda ng kapalaran mo sa pagpasok na pagpasok ng taong 2020. Yong isa na iyong hinahangad ay magiging dalawa. Kaya ang payo, maghangad ka pa ng maghangad sapagkat ang mapupunta sa iyo ay laging doble at mas marami pa. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  5,  14,  28, 34, 36, 44.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi ka dapat magpaapekto sa mga komentaryo na kontra sa mga plano mo. Higit kaninuman ikaw lang mag-isa ang tunay na nakakikilala sa iyong tunay na pagkatao. Ituloy mo lang ang iyong mga plano at siguradong magtatagumpay ka. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 3, 18, 27, 37, 42, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ito ang araw na kung kailan ay magsisimula ng umunlad ang iyong buhay at ito rin ang araw na ang kailangan makasanayan mo ay ang pagpapahalaga sa mga biyayang napasa iyo at iyong natanggap. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 24,  30,  35, 39, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Nagbabalita ang papasok na taong 2020 na narinig na ng langit ang mga panalangin mo para sa mga mahal mo sa buhay kaya makaaasa ka na isa-isa na, na ang lahat ng pangarap mo ay bibigyang katuparan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 17, 25, 29, 40, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Huwag mong hadlangan ang sarili mo na lumigaya. Aanhin mo ang lahat ng bagay na iyong nahahawakan o nakikita, kung mananatiling nag-iisa ka. Buksan mo ang puso mo sa pagmamahal, dahil sa pagmamahal mo matatagpuan ang tunay at wagas na ligaya. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 11, 18, 32, 33, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kapag sobrang nagmamadali ka sa taong 2020, marami ang mga magagandang oportunidad na sa iyo ay makalalagpas. Kaya hinay-hinay lang at paganahin mo ang talas ng iyong intuition. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 12, 24, 29, 34, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Lumalawak ang sarili mong mundo. Ibig sabihin ikaw ay umaasenso. Darami rin ang mga kaibigan mo at ang iyong pinagkakakitaan ay papaunlad ng papaunlad. Sa ayaw at sa gusto mo, mangyayari na ito, dahil ang taong 2020 ay itinakda ng langit para sa iyong paglago.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 9, 21,  27, 29, 34, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ilalagay sa iyong harapan ang oportunidad na puwedeng makaranas ka ng masarap na buhay. Kapag dumating na ang na ito, wag kang babagal-bagal sunggaban mo agad, dahil matagal na uling babalik ang nasabing minsang pagdating ng magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  9, 23, 27, 32, 36, 44.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Panalo, katuparan at pagwawagi. Ito ang magiging pangalan ng taong 2020 para sa iyo.  Lahat ng sagabal at mga hamon ng kapalaran na lalagay sa iyong harapan ay hindi makapananaig laban sa ‘yo, dahil sa taong 2020, ang panalo, katuparan at pagwawaging ay nakatakda ng mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 34, 38, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa taong papasok, sa 2020, nakaabang sa landas na nilalakakaran mo ang malalaking pagsubok pero wag kang mag-alala, malalaki nga sila pero ang totoo, mabilis din silang magsisilayas sa  buhay mo upang palitan ng malalaki ring suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 5, 19,  23, 32, 37, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Susuwertehin ka sa taong 2020. Sino naman ang malas? Walang iba kundi ang mga pahirap sa buhay mo. Kasama sa may pangit na kapalaran ang mga lihim mong kaaway. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  4, 18, 27, 31, 37, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa buong taon ng 2020, walang duda, pinapatnubayan ka na ng langit, kung ano ang iyong tinututukan ngayon, ito mismo ang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad  ang kulay apple green. Masuwerteng numero  3, 8, 26, 33, 39, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here