Ang pagpapakasal ba ay isang ritwal na dapat respetuhin?

Totoo ba na ang pagpapakasal ay isang sagradong ritwal at dapat respetuhin para sa dalawang taong nagmamahalan?

Ang salitang kasal ay nagpapa excite sa lahat ng mga babae, dahil hindi sila makapaghintay na matali externally sa taong kanilang mahal. Halos lahat ng babae ay hindi makapaghintay kung kailan nila matatagpuan ang kanilang soulmates upang sila’y pakasalan. Ang tingin ng lahat ng tao sa isang kasal ay isang ritwal na dapat respetuhin sa mata ng diyos at sa mata ng tao, subalit bakit may mag-asawang nagkakahiwalay?

Maraming mag-asawa ang nagkakahiwalay pagkatapos ng ilang buwan o taong pagsasama sa magkaibang dahilan.

Kapag ang dalawag taong nagmamahalan ay nagdesisyon na magpapakasal ay sigurado na silang dalawa na magsama habang buhay, subalit ang buhay ng isang tao ay hindi maiiwasan ang temptation, babae man o lalake ay pareho lamang na mahuhulog sa bitag ng temptation.

Sa unang pagsasama o sa il├áng buwang pagsasama bilang mag-asawa ay strong pa ang pagsasama ng mag-asawa, subalit kapag may lumapit na temptation alin sa dalawa ay madadala sa temptation ang isa sa kanila, lalong-lalo na kapag may problema silang mag-asawa, halimbawa nag-aaway ang mag-asawa at nagkataon na lumapit si temptation, iyon ang Isa sa maging dahilan kaya magkakasala ang isa sa kanila. At dahil may temptation na nakapasok sa kanilang buhay, mas lalong naging magulo ang buhay mag-asawa at kalauna’y magkahiwalay din.

Ang posibleng dahilan naman ng ibang mag-asawa ay kapag malayo ang isa sa kanila. Halimbawa nasa abroad ang Isa, Ang isang tao ay may pangangailangan dahil nga tap lamang tayo, nakaramdam tayo ng pagka-uhaw sa sex, kung hindi ang nasa malayo ang magloloko, Ang naiwan naman dito sa Pilipinas ang magloloko, kaya kadalasan maraming kababayan natin na nasa ibang bansa ang nagpapakamatay kung saang bansa sila nagtatrabaho, matapos malaman na ang kanyang asawa na naiwan dito ay nambabae o di kaya’y nanlalake. Hindi nila iniisip na mahirap ang buhay ng nag-aabroad, lalo na kapag may pamilyang naiiwan dito. Tinitiis nito na mapalayo sa kanyang pamilya para lang maging maayos ang buhay ng mga ito. Kaya iyong ibang nakapag-move on agad ay nagdesisyon nalang na makipaghiwalay nalang say kanilang asawa, subalit may ibang tao talaga na nag focus talaga sa kanyang pamilya tapos ganito ang malaman niya na nagloko ang kanyang asawa, Hindi niya makakayanan ito dahil tiniis niya ang lahat para sa kanyang pamilya, Subalit balewala rin pala. Kaya tinapos niya Ang kanyang buhay dahil hindi niya kayang harapin ang problemang nalaman mula dito sa pilipinas. Iyong iba naman ay nag-aabroad upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya dito sa pilipinas, babae man o lalake, pagkaraan ng ilang buwan kapag pumasok si temptation, bigla nalang itong nawala na parang bula. Akala ng pamilya nito ay namatay na ito doon sa bansang pinagtatrabahuan nito, iyon pala nagpakasaya ito kasama ang temptation at Hindi na iniiisip Ang kawawang pamilyang naiiwan dito sa pilipinas.

Ito pa ang pinaka-malalang dahilan ng paghihiwalay ng buhay mag-asawa, kapag nagpakasal ka sa isang bakla o bi-sexual, at hindi mo alam ang tungkol dito, saka mo lang nalalaman kapag may nagsasabi na sayo na ganoon nga ang pinakasalan mo. Hindi mo Ito mahahalata sa iyong partner lalong-lalo na kapag ito ay isang professional na tao, marunong itong magtago sa totoo nitong pagkatao. Akala mo nagpakasal ka sa isang macho gwapito na tao, iyon pala ay may kulo ito sa ilalim, hindi mo na alam na may gusto na pala ito sa kapatid mong lalake. Say puntong nalalaman mo na ang tungkol sa asawa mong bi-sexual, ay hindi mo maipaliwanag ang iyong nararamdaman, lalo na kung nakikita mo na talaga kung paano ito maglandi sa isang lalake. Napakahirap ng sitwasyon ng isang babae kapag ganito ang kanyang napakasalan, dahil pagtatawanan siya sa mga taong nakakaalam o nakakakilala na ganoon ang kanyang asawa. Naging katawa tawa siya sa paningin ng mga tao kaya nagdesisyon siyang hiwalayan ang kanyang asawa. Subalit kahit hiwalay na sila ay nasaktan pa rin siya ng todo dahil naging katawa-tawa siya.

Ang buhay ng isang tao ay weather-weather lang dahil hindi natin alam kung ano talaga ang mangyayari sa buhay natin sa hinaharap. Kahit sabihin pa ng ibang tao na kilalanin muna ang isang tao bago pakasalan, subalit ganoon pa din, kalaunan maghihiwalay pa rin sa magkaibang dahilan. Nakadepende sa atin ang pag control sa ating sarili, kahit ilang temptation pa ang lumalapit sa iyo, kapag iisipin mo lang ang iyong pamilya, at kahit nag-aaway pa kayo,ang isipin niyo ay iyong mga masasayang experience ninyo together, try niyo iyan at nawawala ang galit niyo sa inyong asawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here