9 Sitwasyon na Ginagamit Niya ang “LOVE” para Abusuhin Ka

Ayon sa Republic Act No. 9262, mayroong tinatawag na “Psychological Violence” o mga akto na nagko-cause sa isang tao na magkaroon ng mental o emotional suffering. Nangyayari ito sa pamamagitan ng intimidation, harassment, stalking, damage to property, public ridicule or humiliation, repeated verbal abuse at mental infidelity sa biktima. Read on.

Kung tingin mo ay nasa isang abusive relationship ka at hindi mo na masikmura ang ginagawa ng boyfriend mo sayo, pero naguguluhan ka rin, basahin ang article na ito para mas maliwanagan ka. Huwag kang matakot, harapin mo ito ng taas noo at maging matapang ka dahil nananalo ang abuser kapag nakikitang apektado ka. 

1. Kino-kontrol niya ang choices mo sa buhay

Hindi mo na alam ang gagawin mo dahil feeling mo lahat ay mali. Lahat ng choices mo ay dapat may sasabihin siya. Kapag hindi mo siya sinunod, magagalit siya at mumurahin ka.

 2. Lagi ka niya nilalait at pinapahiya sa harap ng ibang tao

Hindi ka niya nirerespeto sa harap ng ibang tao at lagi ka niya nilalait. Kapag kinompronta mo siya tungkol dito, sasabihin lamang niya na honest siya at mahal ka niya kaya totoo siya sayo. Ang hindi mo alam, abuso na ito. 

3. Pinapagawa niya sayo yung mga bagay na ayaw mo gawin

Pinipilit ka niyang magustuhan ang mga bagay na ayaw mong gawin. Kapag umayaw ka, nagiging bayolente siya at sinasaktan ka pa.

 4. Inaaway niya ang mga nakakausap mong tao

Nagsesend siya ng mga panakot na messages sa mga taong malapit sayo dahil sa selos. Ang rason ulit niya ay mahal ka niya at gagawin niya lahat para sa inyong dalawa. Sa sobrang possessive niya sayo, sinisigurado niyang kayong dalawa lang ang tao sa mundo. Bawal ka makipag-usap sa ibang tao. 

5. Tinatakot ka niya lagi na iiwan ka niya

Parte ng mental torture niya sayo ay ang pananakot sayo na iiwan ka niya kapag hindi mo siya sinunod. Kapag may mali kang nagawa, o di kaya ay may nakalimutan kang bilin niya, magagalit siya agad at tatakutin kang iiwan ka niya. 

6. Hindi niya tinatanggap ang opinyon mo lagi

Lagi siyang may isasagot sa opinyon mo dahil tingin niya na ang opinyon lang niya ang importante. Hindi importante ang mga naiisip mo dahil mababa ang tingin niya sayo.

 7. Pa-iba iba ang mood niya

Hindi mo na siya ma-tantsa dahil isang oras galit siya tapos biglang magiging masaya. 

8. Inggit siya sa iyong success

Hindi siya masaya sa mga victories mo dahil mas pipiliin niyang tingnan ang sarili niyang success.

 9. Sinisisi ka niya sa mga kamalian niya at kasalanan

Kapag nagkakaroon kayo ng pagtatalo, ikaw ang lagi niyang sinisisi sa mga maling nangyayari sa inyong dalawa. 

Ano ang dapat mong gawin?

Kung nasa ganitong sitwasyon ka, mas magandang idulog mo na ito sa iyong pamilya para matulungan ka nila at para maisip niyo ang magandang aksyon sa abusive mong boyfriend. Maaaring dumiretso ka na rin sa mga awtoridad para maproteksyunan ka kaagad

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here