Paraan para di magkaroon ng sakit sa pag-iisip, alamin

Heto na naman tayo sa isang malakihang okasyon. Bukod sa ating mga kaarawan, ang kaarawan ni Hesukristo ang isa sa pinaghahandaan natin ng todo. As in super special ang okasyong ito dahil ito ang pagsilang ng ating tagapagligtas. Kaya naman malayo pa lang ay pinaplano na natin kung ano ang ating mga ihahain na pagkain pagsapit ng araw na ito. Lahat ng pagkain na naiisip natin ay yung mga pagkain na special din. Gusto kasi natin na maging bongga ang araw na ito. Pero kung mapapansin nyo ay napakarami ng pagkaing nasasayang matapos ang pasko. Ito ay dahil sa sobra-sobrang iniluluto natin. Upang hindi masayangan ay narito ang tips na dapat mong sundin.

1.Ang lutuin lamang ay yung sapat para sa buong pamilya. Kung may ini-expect na bisita ay magpasobra ng konti. Hindi kailangang punuin ang mesa ng mga pagkain kahit alam naman natin na hindi lahat ito ay makakain.

2. Huwag makipagpaligsahan sa pagpost ng handa sa social media. Ang iba kasi ay sadyang dinadamihan at binobonggahan ang kanilang mga handa upang magpasikat sa kanilang mga kaibigan sa social media.

3.Kung sa tingin mo ay sobra sobra naman ang naihanda mong pagkain dahil hindi mo natantya, ipamigay ito sa mga kapitbahay habang ito ay mainit-init pa. Iwasang mamigay ng pagkain makalipas ang ilang araw dahil baka ma-offend mo na ang pagbibigyan mo.

4.Kung hindi sigurado na may bisitang darating, huwag na muna silang ibilang sa iyong lulutuin. Maglaan na lamang ng pwedeng lutuin kapag sila ay dumating na upang hindi masayang ang pagkain kung hindi naman sila makakarating.

5.Kapag hindi naiwasang marami ang natira sa handa kahit namigay ka na sa mga kapitbahay, ilagay na lamang ito sa ref upang hindi mapanis. Kung walang ref ay initin upang makain pa kinabukasan.

Ang tips na ito ay hindi lamang para sa kapaskuhan kundi maging sa lahat ng okasyon na ating pinaghahandaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here