Paano natin matutulungan ang mga bata sa kanilang pag-aaral?

Children attending school at the Chomkeo elementary school in Kenthao District, Sayaboury Province.

Ang pagiging mabuting magulang sa ating mga anak at nakakatulong sa pag-aaral ng atig mga anak, Alam niyo ba kung bakit? Dahil kapag masaya ang isang pamilya at hindi pinapagalitan ang isang bata kapag ito ay nagkakamali, ito ay Hindi magkakaroob ng phobia sa ating mga magulang.

Siya ay masigla sa tuwing pumapasok siya sa paaralan at dahil sa nakikitang kasiyahan sa pamilya, iisipin din ng isang bata kung paano pasayahin ang kanyang magulang kundi ang mag-aral ng mabuti at makipaglaro kumpetensya sa mga matatalino, o di kaya’y gagawa siya ng magandang bagay na dapat magiging proud sa kanya ang kanyang mga magulang dahil mahal niya ang mga ito. Walang batang hindi mahal ang kanyang magulang, at gusto niya na laging masaya ang mga ito. Ayaw niyang nakikitang malungkot ang kanyang mga magulang.

Kapag ang isang bata ay mayroon masalimuot na pamilya, ay naapektuhan din ang buhay at isipan ng bata, hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin, dahil ang mga bata ay kailangan pa nila ang proper guidance mula sa kanyang mga magulang. Kung ang laging nakikita ng isang bata ay palaging pag-aaway ng kanyang mga magulang , siya ay maging malungkutin at bugnutin. Pagdating niya sa paaralan, imbes na mag-aral ng mabuti ay iniisip nalang niya kung paano magkakabati ang kanyang mga magulang, iisipin nalang niya kung anong gagawin upang maging masaya ang kanyang pamilya.

Sa mga bata namang laging pinapagalitan ng mga magulang sa tuwing siya ay nagkakamali, kahit kunting kamalian lang ang nagawa ng bata ay pinapagalitan na ito na animo’y napakalaking kasalanang nagawa ng bata. Kaya ang bata ay natrauna at nagiging matatakutin na ito at nenenerbyos sa tuwing ito ay uutusan dahil sa takot na magkakamali na naman at napapagalitan na Nnaman o di kaya’y ginugulpi.

Ang mga bata ay hindi pa nila alam kung ano ang kanilang gagawin kaya kadalasan ay nagkakamali sila. Sila ay nangangailangan sa ating  pag-gabay. Ang pag-aaral naman ng mga bata ay hindi so long reaponsibilidad ng mga guru dapat tayong mga magulang ay itutor din natin sila tungkol sa kanilang lecture sa paaralan habang nasa bahay sila upang hindi sila mahihirapan sa klase pagdating sa paaralan. Ang sarap ng pakiramdam ng isang bata sa tuwing siya ay nakaka perfect scores. Nakaramdam siya ng pagka proud sa sarili.

Paano natin sila susuportahan say kanilang pag-aaral?

Kailangan bigyan natin ng oras at effort upang madevelop ang study habit ng ating mga anak. Huwag lang natin ipraise Ang perfect scores nila, suportahan din natin kahit iyong mga low grades nila. Ganoon tayo dapat sa ating mga anak, maging supportive sa kanila upang sila’y gaganahang mag-aral.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here