Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 28, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 28, 2019,  Sabado –  Ipapakita sa iyo ng langit ang kanyang kadakilaan at bubuksan sa iyo ang pinto ng grasya. Isa ka sa unang-unang makatatanggap ng malaki at maraming magagandang kapalaran sa pagbungad pa lang ng pagbungad ng taong 2020. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 12, 24, 30, 33, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) May bibihag sa iyo ngayon. Bibihagin ka ng suwerte at magandang kapalaran. At ito ay mananatili hanggang sa buong taong 2020, pero may kundisyon. Ituloy mo ang dati ng ginagawa mong mga pagtulong at kabutihan sa iyong kapwa, lalo na sa mga mahihirap at  sa mga kapos-palad. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 2, 18, 27,  33, 39, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nagbabago ang mga tao pero hindi nagbabago ang langit sa kanyang pangako. Pagkakalooban ka ng magandang kapalaran at suwerte sa pag-ibig at sa materyal na bagay sa taong ito ng 2020. Basta ang mahalaga, lagi kang manalangin at wag na wag kang mag-aalinlangan. Mapalad ang kulay na magenta.  Masuwerteng numero 1, 13, 16, 25, 29, 47.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Iyong-iyo ang araw na ito. Ang pintuan ng langit ng awa ay ibubukas sa iyo. Anomang hilingin mo ay magkakatotoo. Kaya sa Bagong Taong papasok, makikita mo, humiling ka para sa ikabubuti mo at ito ay ipagkakaloob sa iyo.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 17, 25, 29, 38, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Habang sinasalubong ng lahat ang papasok na Bagong Taon isa lang ang dapat mong maging attitude. Magsaya ka! Dahil habang nagsasaya ka ang masayahin mong aura ang siyang hihigop ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa buong taong 2020. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 1, 8, 26, 31, 41, 43

 LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Susukatin ng langit kung gaano ka katapang ngayon. At kapag nakitang sapat ang tibay ng iyong loob, mabilis na bubuhos sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 25, 29, 34, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang takdang araw na ipagkakaloob sa iyo upang balikan mo ang mga alaala ng lumipas na nagbigay ng saya at ligaya sa buhay mo. Kailangan mong balikan ito, dahil kung paano ka magiging masaya sa araw na ito ang buong taong 2020 ay magiging masaya rin. Kaya nga kapag hindi sinasadyang pumasok sa iyong isipan ang malulungkot na nakaraan, itakwil mo agad ang mga ito. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 5, 10,  28, 29, 31, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Kahit itago mo ang iyong ganda, lilitaw ito at ang likas mong ganda sa panloob at sa panlabas ang hihigop ng magagandang kapalaran at dagdag pang suwerte sa taong ito ng 2020. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 6, 12,  24, 33, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Pagbigyan mo ang humihingi ng paumanhin ikaw man ay nagkakamali rin. Sa ganyang paraan, binungad mo sa Bagong Taong ito ang kababaan ng loob at papapatawad mas maraming suwerte at magagandang kapalarang kang matatanggap sa buong taong 2020. Mapalad ang kulay na lavender.  Masuwerteng numero 3, 12, 24, 37, 40, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Inuutusan ka ngayon ng iyong kapalaran na lasapin ang mga suwerteng nasa sa iyo na. Ibig sabihin, kahit panandalian lang ay namnamin mo ang lasa ng masarap mong buhay. Mapalad  ang kulay apple green. Masuwerteng numero  4, 19, 22, 34, 41, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Inaasahan ng langit na patuloy mong tutulungan at pasasayahin ang iyong kapwa at ikaw naman ay makaaasa na hindi magsasawa ang nasa itaas na pagkalooban ka ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa buong taong ito ng 2020.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  8,  21,  23, 34, 36, 44.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kakaibang buenas ang makukuha mo sa mga taong kontrabidad sa buhay mo at sa mga kabaligtaran ng iyong ugali. Ang ilang suwerte na inaayawan nila ay mapupunta sa iyo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 10, 13, 37, 34, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Gamitin mo na ngayon ang iyon lucky charm mula sa karagatan dahil ito ang magsisilbing panghatak mo sa mga magagandang kapalara sa buong taong ito ng 2020. Kung wala kang lucky charm humingi sa isang Virgo, dahil ang mga bagay na galing sa isang Virgo ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran ngayong taong ito ng 2020. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  7, 19, 28, 36, 40, 44.    

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here