Men vs. Women: Sino ang Dapat Masunod Pag dating sa Relasyon?

Young businesswoman and young businessman side-by-side in starting position and determined to win. Concepts: competition; corporate race; power struggle; battle of the sexes. Studio photography, isolated on white background.

Kapag gender communication na ang pinag-uusapan, marami ang opinyon ng bawat tao. Iba-iba at magkakalayo ang masasabi ng mga tao sa kung sino ang dapat nasusunod sa pagitan ng lalaki at babae. Para sa akin, may pagkaka-iba ang lalaki sa babae, pero hindi ibig sabihin nito ay dapat na may lamang ang isa sa isa.

Basahin ang article na ito para malaman kung sino ang dapat nasusunod sa relasyon.

1. Kapag kasal na kayo, dapat ay may kanya kanya kayong roles

Mapag-uusapan ito sa umpisa pa lamang ng marriage ninyo. Ang lalaki ang magpo-provide sa pamilya at ang babae ang dapat mag-submit sa kanilang asawa. Maaari ding magtrabaho ang babae, ngunit importante na tumayo siyang ilaw ng tahanan. Siya dapat ang nag-aaruga sa mga anak at magbigay ng lakas sa asawa niya. Ang lalaki naman ay may responsibilidad na magprovide sa pamilya.

2. Communication 24/7

Hindi man ito uso sa maraming tao, pero importante ito at dapat nabibigyan ng halaga. Wala dapat talo kapag nag-uusap. Dapat nakikinig parehas at dapat ay magkaroon ng compromise sa mga problemang hinaharap.

3. Hindi sa kusina ang babae, at hindi sa trabaho ang lalake

Maaaring mas malakas physically ang mga lalake pero iba rin ang kakayanan ng mga babae. Dapat ay maging partners ang mga mag-asawa sa pamamagitan ng pag-encourage sa isa’t isa at pagbibigay ng kalakasan sa panahon ng trials.

4. Dapat ay may respeto, at hindi dapat stereotype ang magpapairal sa relasyon ninyo

Iwasan ang “Babae ka kasi kaya iyakin ka,” o kaya ang “kalalaki mong tao wala ka naman nagagawa sa pamilya na ito.” Dapat ay iwasan ang masasakit na salita at paninira sa dignidad ng bawat isa. Maging mahalaga dapat na tanggapin ang kahinaan ng bawat isa at maging balanse ang relasyon sa pamamagitan ng pagsalo sa bawat isa.

Nawa ay makatulong sa inyo ang Bible verse na ito mula sa Ephesians 5:22-33 New International Version (NIV)

  • Wives, submit yourselves to your own husbands as you do to the Lord.
  • 23 For the husband is the head of the wife as Christ is the head of the church, his body, of which he is the Savior.
  • 24 Now as the church submits to Christ, so also wives should submit to their husbands in everything.
  • 25 Husbands, love your wives, just as Christ loved the church and gave himself up for her
  • 26 to make her holy, cleansing[a] her by the washing with water through the word,
  • 27 and to present her to himself as a radiant church, without stain or wrinkle or any other blemish, but holy and blameless.
  • 28 In this same way, husbands ought to love their wives as their own bodies. He who loves his wife loves himself.
  • 29 After all, no one ever hated their own body, but they feed and care for their body, just as Christ does the church—
  • 30 for we are members of his body.
  • 31 “For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife, and the two will become one flesh.”[b]
  • 32 This is a profound mystery—but I am talking about Christ and the church.
  • 33 However, each one of you also must love his wife as he loves himself, and the wife must respect her husband.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here