Paano Mo Dapat Mahalin ang Sarili Mo?

Pagdating sa pagmamahal sa ibang tao, napakadali lahat. Kahit may sakit at pait, may parte pa rin na napakadaling gawin. Pero pagdating sa pagmamahal sa sarili mo, kasing dali rin ba? Read on.

Kapag pinag-sabay sabay mo ang trabaho, expectations ng pamilya mo at ang active social life mo, minsan ay nakakalimutan mo nang pabagaling ang mundo mo at bigyan ng oras ang sarili mo. Sobrang importante ng “Me Time” dahil bago mo ma-improve ang relationships mo sa ibang tao, kailangang ma-develop mo muna ang iyong stronger self-worth.

Huwag sayangin ang bawat segundo. Basahin ang article na ito para malaman mo paano mo pa mamahalin lalo ang sarili mo.  

1. Exercise

Live a healthy life. Sign up on your local gym and exercise on your free time. Don’t be afraid to show your fats, but you have to lose them eventually. Studies show na ang exercise ay nakakadagdag sa happiness ng tao at nakakabawas sa stress sa pang-araw araw. Kung sobrang dami mong iniisip, makakatulong ang exercise sayo para ma-release mo lahat ng negative energy sa katawan mo. 

2. Mag-handa ng healthy meals

Go on a healthy diet. Sa ganitong paraan, minamahal mo ang sarili mo dahil priority mo ang kalusugan mo. Experiment on your diet, huwag ka matakot mag-try ng new recipes. Siguradong mas gagana pa ang creativity mo dito at mas ma-eengganyo kang mabuhay at maging healthy. 

3. Gastusan ang sarili mo sa beauty and skin care

Take care of your skin. Pamper yourself and try on the products perfect for your skin. Kahit magastos ng konti, magandang investment yan para sa iyong balat. Siguraduhin mo na ang mga bibilhin mong products ay swak at pwede sa balat mo, para hindi ito mag-cause ng allergies sa iyo.  

4. Takasan mo ang boring lifestyle mo

Do something new. Be creative. Use your stock knowledge and go out on an adventure…ALONE! Sumubok ka nang mga bagay na mag-isa ka lang at walang ibang kasama. Siguradong pag ginawa mo ito ay mas mararamdaman mo ang independence at mas mamahalin mo ang sarili mo. Mag-hanap ka online ng mga local and international destinations na pwede mong puntahan at tingnan mo ang pwede mong gawin sa mga lugar na ito kahit mag-isa ka lang. 

5. Pray regularly

Don’t forget to thank God for the life you have. Love yourself by loving your God first. Huwag mo rin kalimutan ang personal Bible devotion mo araw-araw, kahit 10 minutes lang sa oras mo pagkagising mo sa umaga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here