Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 27, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 27, 2019,  Biyernes –  Bihirang matupad ang ipinapangako sa isang tao, pero sa pagpasok ng susunod na taong 2020, ang ipinapangako ng langit ay matutupad na sa iyo. Dininig na ng nasa itaas ang iyong dalangin. Lahat ng bagay na noon mo pa pinapangarap  ay isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 13, 25, 28, 31, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Talo mo ang kahit na sino ngayon, dahil ang mismong langit ay kakampi mo, kaya ang nagsasabing mas suwerte sila sa iyo ay magugulat, at hindi makapaniwalang mas magaling ka at sa taong 2020 mas marami kang suwerte sa kanila. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6, 17, 27, 29, 37, 41.  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Wag mong sayangin ang mga matatalino at magagaling na taong nakakahalubilo mo.  Kumuha ka ng magagandang aral sa kanilang buhay at sa kanilang mga sinasabi. Magagamit mo ito para lalo ka pang suwertehin at magkaroon ng maligayang pamumuhay.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 28, 34, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Sa panahong ito papasok na ang taong 2020 tiyak na magiging mahiwaga ang tinig mo ngayon. Kaya hindi ka dapat tumahimik. Susuwertehin ka habang ikaw ay patuloy na nagsasalita. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 8, 17, 22, 31, 40, 45 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sobrang maligaya at puno ng mga pagpapala ang magiging karanasan mo sa mga huling araw na ito ng Disyembre. Ito ay nagpapahiwatig na mapapawi na ang lahat ng kalungtan upang pagpasok ng taong 2020, puro suwerte na at magagandang kapalaran ang muling ipagkakaloob sa iyo ng langit.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Malakas ka ngayon dahil ang malalakas ay iyong mabibihag. Habang nabibihag mo ang malalakas at makapangyarihan, sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang  maroon.  Masuwerteng numero 7, 10, 19, 28, 37, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magdadalawang isip ka sa ngayon. Pero sa pagdadalawang isip matsa-tsambahan mo ang pinakamagandang desisyon na magdadala sa ‘yo ng suwerte at magandang kapalaran. Magpasalamat kang lagi  sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 18, 21, 37, 40, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Maraming humahanga sa iyo ngayon at nagnanais na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Sila ang mga taong dating lihim na nanira at naghahangad ng iyong kapahamakan. Pero sa ngayon “sorry na lang sila”, hindi sila makakatikim ng masarap na mantikang pinagpapasasaan mo sa ngayon. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 8, 18, 21, 33, 39, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Saya at ligaya ang mapapala ng sa ‘yo ay laging sumasama. Kung baga sa piling mo ay walang lungkot at dusa. Pero mahirap paniwalaan, ikaw mismo ay may lungkot sa iyong kalooban. Parang  “the wounded healer”  ang buhay mo –  ikaw na nakapag-papagaling, may sakit ka rin na hindi mo mapagaling-galing. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 25, 31, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Maraming mga adbentura at paglalakbay ang magaganap sa susunod na taong 2019 na magdudulot ng saya at ligaya. Saan ka man ipadpad ng iyong kapalaran wag mong kalilimutang manalangin at laging magpasalamat sa mga biyayang iyong natatanggap. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 3, 18, 25, 33, 38, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi makasisingit sa iyo ang kalungkutan ngayon, dahil sa mga pangyayari at sitwasyong magdudulot sa iyo ng sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran. Maging mapagbigay ka sa mga mahihirap at kapos palad, upang ang suwerte at magagandang kapalaran ay lagi ng manatili sa iyong buhay lalo na sa pagpasok ng taong 2020. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 4, 8, 14, 19, 23, 31.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nasa harapan mo ngayon ang suwerte. Pero puwedeng hindi mapasaiyo dahil ang ibinubulong ng puso mo ay iba kaysa sa nasa harapan mo. Kailangan mong pumikit sandali at magnilay, tanungin mo ang sarili mo: “Ano ba talaga ang gusto ko at inaasam-asam?” Kapag may sinabi at sinagot ang sarili mo, ang suwreteng nasa harapan mo ay tuluyan ng mangyayari at matutupad sa buhay mo. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 9, 15, 27, 33, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hahanguin ka ng langit sa pangit na kalagayan, dahil hindi bagay sa iyo ang dumanas ng kahirapan. Ilalagay ka sa suwerteng kalagayan, dahil ang suwerte ang likas sa iyong kapalaran, lalo na kung lagi kang magbibilad sa araw kapag unang oras sa umaga.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  4, 11,  19, 25, 31, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here