10 Golden Rules Para Tumagal ang Relasyon Mo

Sobrang dali ng “ligawan stage” pagdating sa relasyon. Lahat nakakakilig, nakakatuwa, at feeling mo nakalutang ka sa langit. Pero habang tumatagal, ibang usapan na. Read on.

Sa una, masayang masaya lang talaga kayo. Mas masaya pa sa honeymoon stage dahil lahat bago, lahat hindi mo maipaliwanag, basta mo na lamang nakikita ang sarili mong nakangiti sa kawalan. Pero kapag nasa relasyon na kayo, darating na ang reality check… hindi lahat nakakakilig! May times na makikita mo na ang mga flaws niya at ang mga bagay na hindi mo pa alam sa kanya na ikagugulat mo. Pero syempre, mahal mo siya. Paano mo nga ba mapapatagal ang relasyon mo nang hindi nawawala ang pagmamahal? Basahin ang 10 Golden Rules na ito at sana ay ma-apply mo sa relasyon mo.

  1. Huwag alisin ang excitement sa inyong dalawa

Be creative! Gawin mong nakakakilig ang dates ninyo. Don’t always expect na siya ang gagawa ng thrill sa relasyon ninyong dalawa. Make space for your creativity and give him the opportunity to explore his love excitement.

  1. Commit to Communicate

Honesty is the best policy! Tandaan mo yan. Kahit anong mangyari, sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo, at lagi ka dapat open sa kanya. Tandaan mo na lagi mo siyang kakampi no matter what. Partners kayo.

  1. Love him no matter what

Kahit nakikita mo na ang flaws niyo, learn to embrace him with his flaws. Don’t go on falling out of love with a person only because you see them in a different way.

  1. Pray with him

Always. Before you eat, before you sleep, even when you’re not together. Make him secure by praying with him. Ipaalala mo sa kanya na walang kayo, kung wala ang Panginoon.

  1. Let him know that you adore him

Sabihin mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at kung gaano kalakas ang pagkakaroon ng crush mo sa kanya, katulad noong nagliligawan palang kayo. Walang masama kung babae ang magpapakilig sa lalake.

  1. Be there for him in the bad times

Minsan, kahit wala kang sabihin, basta’t andyan ka sa tabi niya, sapat na yun. Kapag may pangit na nangyari sa kanya, encourage him and hug him.

  1. Change your bad habits

Sa relasyon, malamang ikaw ay may mga bad habits din na hindi niya gusto. Lagi mong iisipin na dapat lahat ng gagawin mo ay para sa inyo, at hindi lang para sa kanya. Change for the better, and not be bitter.

  1. Make Jesus number one

Put God at the center of your relationship. Always. Always!

  1. Kiss and hug him

Don’t forget to kiss and hug him bago pumuntang trabaho, pagka-uwi galing trabaho, at bago matulog.

  1. 10. Huwag matutulog na magka-away kayo

Tandaan itong golden rule na ito! Kahit gaano kasakit, ayusin ang away ninyo bago matulog. Kapag ginawa ninyo ito, siguradong mababawasan ang mga away ninyo.

Ang lahat ng golden rules na ito ay based sa aking experience. 4 years na kami ng boyfriend ko at masasabi kong hindi perfect ang relasyon namin, pero madali lang lahat basta’t alam mong gumagawa ka ng mga desisyon out love at hindi out of hate. Dapat din ay may partnership and friendship talaga sa inyong dalawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here