Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 25, 2019

P

ARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 25, 2019,  Mayerkoles –  Ngayong panahon ng Pasko ang nadarama mong kaba ay hindi mawawala. Ito ay dahilang makatatanggap ka ng hindi inaasahan pero sobrang laking suwerte na siya na ring regalo sa iyo ng langit ngayong araw ng iyong Kaarawan. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 28, 32, 34, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Magiging masaya ang Pasko mo at Bagong Taon, pero may paalala sa iyo ang langit. Ingatan mo ang mga pagkaing hindi dapat, dahil may posibilidad na makalimot ka at kainin mo pa rin ang mga pagkaing makasasama sa iyong kalusugan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 27, 29,  35, 39, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Alam mo, naghahanda na ng regalo ang mga nagmamahal sa iyo. At ang mga nabili na nila ay mga pampapaganda upang lalong magnining ang iyong kagandahan. Sa sandaling natanggap mo na, ang mga regalong pampaganda, umasa kang lalo kang susuwertehin at magkakaroon ng magandang kapalaran sa taong 2020. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 14, 28, 32, 36, 44.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kakaibang regalo ang nasa isip ng mahal mo na ibibigay sa iyo. Bilang ganti gawin mo sa kanya ang isang bagay na hindi niya inaasahang kaya mo pa lang ibigay sa kanya. Kapag naibigay mo na ito, mas malaking suwerte at magandang kapalaran ang igaganti sa inyo ng langit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  7,  16,  25, 34, 36, 43.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hiniling mo sa langit na magkaroon ng pag-unlad at ligaya sa inyong pamilya. Pakikinggan ka!  Kaya ang biglaang pagbabago ng takbo ng buhay nyo ay mapapa sa iyo, upang ang inyong pamilya ay tuloy-tuloy ng umunlad at lumigaya na magsisimla nang mangyari sa darating na 2020. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 7, 18, 25, 28, 31, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kahit na ano pa ang kalagayan mo sa buhay sa ngayon, magsaya ka! Makipagbiruan ka sa iyong mga kasama. Ang anumang lungkot, kahit gaano pa kaliit sa ngayon ay hindi makabubuti sa iyo at sa mga taong nakapaligid sa iyo. Alalahanin mong pasko na mamaya, at kung ano ang feeling mo ngayong pasko, yon din ang magiging kapalaran mo sa susunod na mga araw, kaya dapat masaya ka, para masaya din ang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  4, 19, 28, 32, 37, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bawat regalong magmumula sa iyo na may kaakibat na pagmamahal sa reregaluhan mo na magbibigay sa kanya ng suwerte. Matutuwa ang reregaluhan mo dahil bukod sa materyal na halaga, may suwerte dala ang iyong regalo. Pero ang sa iyo ay kakaiba, bawat regalong matatanggap mo, doble-dobleng biyaya ang sunod-sunod na darating sa iyo. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 12, 19, 32, 33, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Hindi lang isa at hindi rin dalawa ang matatanggap mong regalo mula sa mga nagmamahal sa iyo ngayong kapaskuhan, kundi marami. Pero ang higit na pahahalagahan mo ay ang regalo ng isang pusong may lihim na pagtingin sa iyo. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 2, 17, 23, 37, 40, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tulad ng tala sa silangan, magiging makislap ang iyong buhay ngayon. Masisilaw maging ang iyong mga lantad at lihim na kaaway. Kaya ngayon pa lang magsisigawa na sila ng paraan para mapalapit sa iyo. Kasabay nito marami kang regalong matatanggap kung saan-saan at kung kakanino galing. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 18, 23, 39, 42, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Pasko na mamayang gabi kaya magsuot ka na ng mga damit na masasaya ang kulay. Makaaasa ka na ang mga magagandang kapalaran ay maaga mong matitikman, lalo na sa pag-ibig at sa materyal na bagay. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  5, 17, 27, 35, 39, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Wag kang papayag na mangulila ngayong kapaskuhan. Puwede ka namang maki-join sa iyong mga kaibigan at sa mga mahal mo sa buhay. Tandaang ang masayang pasko ay pasimula ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalarang darating sa buong taon ng 2020. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 1, 14, 25, 30, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Tuloy-tuloy ang mga masasayang araw mo na kung saan hindi ka maaawat sa kapapamili ng regalo at magigising ka sa katotohanang ubos na pala ang pera mo sa kabibili ng regalo. Ngayong kapaskuhan, magtutong magtipid upang umabot pa hanggang Bagong Taon at Valentine ang budget. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  18,  24, 34, 36, 43.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Bilang paalala sa iyo ngayong kapaskuhan, ang mga regalo ay hindi naman kailangang sobrang mahal. Kahit munting bagay lang ay sapat na para sumaya ang iyong reregaluhan. Ang mabuting balita, sa bawat regalong iyong ipagkakaloob, dobleng biyaya naman ang iyong matatanggap. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 27, 29,  35, 39, 41.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here