Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 23, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 23, 2019,  Lunes –  Ibinabalita ng araw na ito na isinilang ka para magnegosyo, para mag-alok, para magsalita, para gamitin ang iyong talino at kakayahan, upang sa bandang huli ay makikita at malalaman mo rin ang panukala sa iyo ng tadhana, na ang dulong dahilan pala nito ay isinilang ka para yumaman. Mapalad na kulay  ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) ) Bibigyan ka ng napakalaking suwerte ng langit sa panahong ito ng kapaskuhan, pero may kundisyon. Ang kundisyon, ang anumang sosobra sa mga biyaya mong matatanggap ay dapat mong maipamahagi sa mga mahihirap bago sumapit ang unang araw ng taong 2020. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Wala pala sa materyal na bagay ang ligaya dahil ang mabubuting ugali ang pinagmumulan ng tunay na ligaya. Kaya kung gusto mong lumigaya, piliin mo ang may mabuting ugali. Pero ang magara nito, kapag pinili mo ang mabuting ugali ang materyal na mga bagay at pagpapalang temporal ay idadagdag pa sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Bawal sa iyo ngayon ang magalit dahil ang mga suwerte ay darapo sa iyo sa mga  sandaling ikaw ay naging mahinahon at sa mga sandaling payapa ang iyong kaloooban.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag kang makigulo sa gulo ng iba. Kahit maging tagapamagitan ay hindi rin puwede sa iyo dahil ang mga magagandang kapalaran na nasa tabi mo ay sasaiyo kung tahimik lamang ang iyong buhay at hindi makikisawsaw sa problema ng iba. Mapalad  ang kulay na yellow.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Pasko na! Nakahanda na ba ang iyong mga pang-aguinaldo. Ang langit ang nagsasabing, ang lahat ng mauubos at magagastos mo sa kapaskuhang ito ay ibabalik sa iyo ng siksik, liglig at umaapaw sa taong 2020. Mapalad ang kulay na gold at silver. Masuwerte ang numerong  1, 19, 22, 31, 40 at 44.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nakatutuwang bagay ang iyong mararanasan ngayon dahil ang iyong mga payo at pananalita ay susundin at hahanggaan ng iyong mga kausap. Pero ikaw mismo ay nakakaalam na hindi mo kayang sundin ang mga ito.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 29, 33, 40 at 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Kung hindi ka makikinig sa payo, kikilos ang langit upang dalin ka sa talagang sadlakan mo, isang magandang kapalarang may kaugnyana sa career at maunlad na kabuhayan na tungkol sa pagnenegosyo ang talaga at totoong hahantungan mo. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Masarap na buhay ang pangako sa ‘yo ng araw na ito. Pero may kundisyon, sundin mo ang panukala at ang mga kagustuhan ng mga mahal mo sa buhay lalo na ang iyong kapareha. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Minsan sadyang nakakubli ang mga suwerte sa magulo  na mga pangyayari, pero biglang lilitaw na wala kang magagawa kundi ang ikaw ay mamamangha at hindi rin makapaniniwala sa mga bueanas at magagandang kapalarang maguuna-unahang dumating. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Iba’t-ibang klase ng nilalang ang makakasama mo ngayon. Pero ang kakaibang galing ng iyong personalidad ay mangingibabaw kaya marami ang lihim at lantad na sasaludo sa iyo. Hindi lang sasaludo sa iyo kundi magbibigay din ng ibat-ibat suwerte at magagandang kapalaran sa buhay mo. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Minsan sadyang nakakubli ang mga suwerte sa magulo  na mga pangyayari, pero biglang lilitaw na wala kang magagawa kundi ang ikaw ay mamamangha at hindi rin makapaniniwala sa mga bueanas at magagandang kapalarang maguuna-unahang dumating. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ito ang araw na malilito ka dalawang iba ang gustong puntahan mo at magkaibigang lugar na parehong gusto mo rin. Kung sino ang pinakamalapit sa iyo, doon ka muna unang pumunta. Sa lugar na iyon may suwerte at magandang kapalaran kang makukuha. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung saan-saan ka makakarating. Isa lang ang payo para sa iyo ingatan mo ang kalusugan mo dahil sa panahon ngayon talagang hindi matapos-tapos ang gala at pasyal mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kung ano ang gusto mo ay gawin mo. Hindi dapat na ang iyong mga kilos ay nakatali sa mga pananaw at opinyon ng ibang mga tao. Malaya ka kaya, kaya dapat masunod mo ang iyong mga gusto at sa pagsunod mo sa iyon mga gusto magsisimula ng magdatingan sa ‘yo ang mga suwuwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here