Dear Maria: Mister, laging nakaasa sa Utol

Dear Maria,

Naiinis na ko sa aking mister, walang ibang gustong asahan kundi ang utol niyang nasa abroad. May trabaho naman ako pero di sapat para buhayin ang lima naming anak. Mas nais kasi niyang maging house husband tutal naman daw sobra sobra ang padala ng kanyang nakatatandang kapatid. 

Maring

Maring,

Parang mayroong contrast sa sinasabi mo, a. Sabi mo, umaasa ang mister mo sa kanyang utol. Ibig sabihin, nagpapadala ng pera ang bayaw mo. Kunsabagay, kahit naman nasa abroad ang kapatid ng mister mo at nagpapadala siya ng pera, di naman ibig sabihin noon ay monthly ang pagbibigay niya at di naman yata ganun kalakihan. Kaya, may katwiran talagang mahirapan ka.

Ang makabubuti mong gawin ay kausapin nang masinsinan ang iyong mister. Aba, dapat niyang tandaan na  lima ang anak ninyo. Hindi n’yo lang sila dapat pakainin, responsibilidad din ninyong pakainin sila. Di rin naman habambuhay ay susuportahan kayo ng utol ng mister mo. Isang araw, magsasawa rin iyan. Dapat ay alam ‘yan ng mister mo. Bilang asawa, kailangan mo ‘yang ipaalala sa kanya.

Kung di mo siya mapipilit magtrabaho, sabihan mo siyang magnegosyo kayo. Kung magkano man ang ipinadadala ng kanyang utol, ipunin na muna habang nag iisip kung ano bang klaseng negosyo ang swak sa inyo. Huwag lang pabigla bigla sa negosyong bubuksan dahil baka ikapahamak n’yo rin yan.

Sana naman kahit paano ay nagawa kitang tulungan sa pinoproblema mo. Mag usap kayong mag asawa dahil sa pagsasama ay napakaimportante ang komunikasyon. Tulungan ang sikretong sangkap para maitaguyod ninyo ang inyong pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here