Iba’t ibang paraan para pumuti ang ngipin

Kung inaakala mong ang dentista lang ang makapagbibigay ng solusyon sa naninilaw mong ngipin, nagkakamali ka. Kayang-kaya mo rin namang paputiin ang iyong ngipin kahit na hindi ka nagpupunta sa dentista. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang ilan kong sasabihin kaya basahin mo ang artikulo na ito na pinamagatang Iba’t ibang paraan para pumuti ang ngipin

Una, gawin mo ang oil pulling.Magpahid ka ng sesame oil o cocunot oil o anumang oil na maaari mong ilagay sa  loob ng iyong bibig. Hindi lang sa mga ngipin pati na rin sa dila at ngala-ngala mo. Magagawa kasi nitong alisin ang mga bacteria na nasa loob ng iyong bibig na nagiging dahilan para magkaroon ka ng mabahong hininga at naninilaw na mga ngipin. Para sa mga taga-India, nakaugalian nila ang oil pulling kaya naman mapuputi ang kanilang mga ngipin.

Pangalawa, magsepilyo ng may baking soda. May mga toothbaste ng mayroong ingredient na baking soda dahil makakatulong talaga ang baking soda para hindi na dumami pa ang bakterya sa loob ng iyong bunganga. Hindi man ito agad-agad na eepekto pero kung malimit kang nagsesepilyo ng may baking soda, makikita mo ang pagkakaiba ng ngipin mo noong hindi ka pa gumagamit ng baking soda at ngayong isinasama mo na ito sa’yong pagsesepilyo.

Pangatlo, gumamit ng hydrogen peroxide. May kakayahan itong gamutin ang sugat sa loob ng iyong bunganga kaya naman malaki ang tendensiya na pumuti ang ngipin mo. Huwag ka lang maging OA sa paggamit nito dahil 1.5 hanggang 3 percent lang ang maging gamit mo nito para hndi ka magkaroon ng side effects.

Pang-apat, gumamit ng apple cider vinegar. Ang acetic acid ang pangunahing sangkap na inilalagal sa apple cider at pumapatay ito ng bacteria samantalang ang suka naman ay pampaputi ng ngipin. Huwag ka lang sanang sosobra sa paggamit ng suka sa’yong ngipin dahil nakakarupok din ito ng ngipin.

Panlima, kumain ng prutas at gulay. Ang masusustansiyang pagkain ay makakatulong para manatiling maganda ang iyong mga ngipin kaya sana ay ugaliin mo rin ang pagkain nito. Ang the best na prutas para maging maputi ang ngipin mo ay ang strawberry at pinya. Kaya kung magiging mapagmasid ka, ang kalimitang flavor sa mga pambatang toothpaste ay strawbery at pinya. Nakakatulong kasi ang mga ito para maalis ang paninilaw ng iyong mga ngipin.

Pang-anim, iwasan ang mga pagkaing matataas ang sugar. Marami sa mga pagkain at inuming paborito natin ang hindi nakakatulong sa ating mga ngipin kaya kailangan ay maging maingat tayo sa ating mga kinakain. Kung talagang hindi ka maawat sa pag-inom ng softdrinks at pagkain ng tsokolate at cake, makabubuting uminom ka ng maraming tubig o magsepilyo agad.

Pampito, magtoothbrush at pagtinga. Ito ang karaniwan nating ginagawang mga PIlipino para magawa nating maging maganda ang ating mga ngipin. Kaya, dapat kada kakain ka ay sundan mo ng pagsesepilyo para maprotektahan mo ang iyong mga ngipin.

O, ginagawa mo ba ito talaga?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here