Bakit mahilig ang mga babae na magbasa ng romance pocketbook?

Bawat babae ay nagnanais na magkaroon ng kanyang ka-forever. Ibig niyang magkaroon siya ng ka-partner na maaari niyang magkapalitan ng I love you, makasama sa habambuhay pero parang napakahirap makita ng lalaking perpekto para maging manatili sa kanyang piling habambuhay.

Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay maaaring maging tapat sa kanyang partner. Mayroon diyan na kahit na ibinigay mo na ang lahat ng makakapagpasaya sa kanya ay magagawa ka pa ring iwanan. Ang dahilan ay nagsawa na siya sa’yo at ang nais niya ay magkaroon na ng ibang partner. Bilang babae, hindi magiging madali sa’yo na magtiwala ulit. Kaya, kaysa masaktan pa siya ay minamabuti na lang ibaling sa ibang bagay ang kanyang atensyon.

Ito ang rason kaya maraming babae ang labis na kinahihiligan ang pagbabasa ng romance pocketbook. Para kasi sa kanila ang mga hero na nasa binabasa nilang libro ang kabuuan ng lalaking kanyang inaasam. Kaya naman kapag nagpupunta ako sa publication na pinagpapasahan ko dati ng aking mga nobela, hindi ko maiwasan ang mamagha kapag nakikita ko ang mga readers.

Mas masarap daw kasing mahalin ang mga tauhan sa mga librong kanilang binabasa kaysa umasam sila na may lalaki pang magmamahal ng sobra-sobra sa kanilang buhay. May mga lalaki raw kasing hindi naman makontento sa iisang babae kaya bakit pa sila magpapakamartir kung magagawa naman nilang mabuhay na mag-isa.

Ikaw, ano pakiramdam mo kapag nagbabasa ka ng romance pocketbook?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here