Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 20, 2019

P

ARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 20, 2019,  Biyernes –  ) Ito ang araw na dapat kang magtiwala sa iyong sarili. Dahil sa sandaling nabuo ang tiwala mo sa iyong sariling kakayahan, ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa ng ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Malapit na ang pasko, nakapamili ka na ba? Wag kang matakot na maubos ang iyong pera, dahil habang nagbabawas ng salapi, magugulat ka, panay naman ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran ng doble-doble pa.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Sa araw na ito, hinhingi ng langit na magkaroon ng mga pagbabago at inobasyon sa kasalukuyan mong mga ginagawa. Gawin mo, upang magtuloy-tuloy ang pasok at dating ng suwerte ngayon papalapit na ang kapaskuhan. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Tanggapin mo ang mga mungkahi na ipinaabot sa ‘yo. Hindi puwede na ikaw na mismo ang magpasya at hindi ka makikinig sa mga opinyo ng iba, dahil kapag ganyan ka malamang na mapahamak ka. Sa pagsunod sa mga mungkahi at opinyon ng iba, mas malaking suwwerte at magagandang kapalaran ang iyong makukuha. Mapalad na kulay ang  blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung sino ang malakas siya ang mananaig, kaya magpalakas ka ng magpalakas. Kapag lumakas ka na ng todo, ikaw na ang tiyak na mananaig hanggang sa makamit mo na ang malaon mo ng pangarap na yumaman ng mayamang-mayaman. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Minsan ang kabiguan ay baitang din papunta sa tagumpay. Ganyan din ang magaganap sa iyong karanasan, ang mga kabiguang noong nagdaang mga panahon ang siyang magiging hagdan mo patungo sa tiyak na tagumpay at mga pag-asenso sa buhay lalo na sa larangan ng materyal na bagay at aspetong pang-emosyonal.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Malapit na ang pasko, ngunit ngayon pa lang hihintayin ka na ng iyong kapalaran sa malayong lugar dahil naroon mismo at makakaharap mo na ng personal ang iyong napakalaking suwerte sa larangan ng salapi at sa aspetong pang-emosyonal. Kaya kung may mag-aalok ng paglalakbay, wag ka ng magdalawang isip pa – gora na! Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Sa panahong ito ng kapaskuhan, nagkataong ito rin ang araw na na malakas ka sa itaas. Ibig sabihin puwede kang humiling ng kahit na ano. Puwede rin ang mga imposible at ang mga mahihirap mangyari. Makikita mo, ang lahat ng ito ay magkakatotoo! Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Malakas ang magnetismo mo ngayong araw na ito, kaya hangga’t maaari wag mong hayaang madikit ang iyong sarili sa kahit na sino maliban lang sa iyong mahal. Dahil ang madikit sa ‘yo ay magagayuma mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na tatalunin ng malinis at dalisay mong pagkatao ang anumang banta ng tukso sa iyong buhay ngayon. Panatiliin mo ang iyong katapatan sa iyong sarili. Sa ganyang paraan mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa pagnenegosyo ka titiba at tatabo ng malalaking halaga. Kaya ang payo sa ‘yo ng kalangitan, magnegsoyo ka. Oo sa pagnenegosyo ka mabilis na uunlad hanggang sa tuluyang yumaman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa paskong ito, kung ano ang idikta ng puso mo, iyon mismo ang iyong susundin. Kaya ang mga kapamilya at ilang mga kaibigan mo ay hindi ka mauunawaan, pero habang sinusunod mo ang puso mo, magtatagumpay ka at magiging maligaya. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Isa lang ang susi upang magtagumpay at umunlad ka, ito ay ang pagpupumilit. Mapagpumilit ka! Kapag ikaw ay naging mapagpumilit makukuha mo ang lahat ng iyong gusto sa buhay basta’t ito ay lagi mong ipagpipilitan. Kaya nga kapag pinagpilitan mo ang pagyaman, walang duda, yayaman ka.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here