Ang tipo ng lalaki na dapat mahalin

Hindi naman natin nagagawang piliin talaga ang lalaking gugustuhin ng puso nating ibigin sapagkat may pagkakataon na tumitibok ang ating puso sa maling tao. At kapag nangyari na iyon, hindi na natin magawang pigilan ang sarili natin sa pagsunod sa agos. Ngunit, naniniwala pa rin ako na ang tao ay kaya ring gawin kung ano ba ang nararapat kung talagang ayaw niyang masira ang kanyang buhay.

Naniniwala ako na kaya nga sa ulo inilagay ang ating utak para mag-isip tayo bago gamitin ang ating emosyon na maaaring maging dahilan para masira ang ating buhay. Sa artikulo natin ngayon ay nais kong ibahagi sa inyo Ang tipo ng lalaki na dapat mahalin

Una, guwapo, matangkad at may malaking pangangatawan. Kalimitan naman talaga ang lalaking nagugustuhan natin ay mayroong hitsurang may ipagmamalaki. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magiging kahiya-hiya sa mga taong nakapaligid sa akin. Siyempre kung ang ating makakarelasyon ay kabaligtaran, siguradong marami ang magtatawa sa atin. Gayunman may pagkakataon na di naman importante ang panlabas na anyo, ang mahalaga ay nagkakasundo kayo.

Pangalawa, may mabuting kalooban. Kung siya ay mabait, talaga ngang magugustuhan din siya ng pamilya at mga kaibigan mo. Baka nga kapag nag-aaway kayo ay siya pa ang kampihan. At para matiyak mo na mabait talaga siya, pagmasdan mo siya kung mabait siya sa aso o anumang hayop. Kapag kinakahulan siya ng aso, ibig sabihin ay nagpapanggap lang siya. Huwag mo rin siyempreng babalewalain ang komento ng mga nakapaligid sa’yo. Kung masyado ka kasing in love sa lalaki ay nagiging bulag ka kaya kadalasan ay nahuhulog ka sa maling lalaki.

Pangatlo, responsable. Ibig sabihin nito, kapag nagkatuluyan kayo ay hindi ka na mag-aalala pa para sa inyong kinabukasan. Siyempre, alam niya ang kanyang responsibilidad kaya tiyak na magagawa ka niyang mabigyan ng magandang buhay.

Pang-apat, maaasahan sa lahat ng pagkakataon. Kung ganitong lalaki ang iibigin mo, siguradong kahit nagdurugo ang puso mo sa masakit na pangyayaring nangyayari sa’yong buhay, agad ‘yang maghihilom dahil nandiyan siya sa tabi mo.

Panlima, tapat sa inyong pagmamahalan. Ikaw lang ang dapat niyang ibigin kaya hindi siya dapat nag-e-entertain ng ibang babae habang magkarelasyon kayo. Isipin mo na lang, kung ngayon pa lang na magkasintahan kayo ay nagagawa ka na niyang pagtaksilan, paano pa kapag kasal na kayo? Baka nga hindi ka rin niya pakasalan kung siya ay babaero. Kaya, kung sinungaling ang isang lalaki ay huwag mo na siyang pagkatiwalaan dahil ikaw din ang kawawa.

O, sa tingin mo ba ay naka-jackpot ka sa pinili mong mahalin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here