Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 18, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 18, 2019,  Miyerkoles –  Masusumpungan mo ang iyong sarili na nasa mataas na kalagayan, kung saan, patuloy kang titingalain at hahangaan. Ito kasi ang talagang nakatakda sa iyong kapalaran, malalaki at matataas na tagumpay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4,  9, 24,  36,  42, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kung ano ang malaki iyon ang iyong pipiliin. Makikiayon naman sa iyo ang tadhana, dahil malaki ang ibibigay sa iyo. Ang lahat ng malalaking tagumpay at katuparan sa buhay ay ipagkakaloob na ngayon sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 4,  11, 20,  25, 32, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Bukas ang puso mo para sa pag-ibig sa araw na ito. Kaya  habang umiibig ka at nagmamahal, tuloy-tuloy ding darating ang suwerte at magandang kapalaran. Ibig sabihin din nito, bawal kang magalit at magtampo sa araw na ito. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  6, 18, 24, 29,  33, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Subukan mong ibaba ang iyong sarili, tumulong at makisimpatsa ka sa hanay ng mga walang-wala at wala ng maaasahan. Masosopresa ka dahil ang magiging resulta lalo kang pagpapalain ng langit at bibigyan ng mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 4, 12, 22, 31, 37, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sakyan mo lamang  at wag mong pansinin ang mga nagbibigay sa iyo ng suliranin at sama ng loob. May idinisenyo na ang langit para sa kanila. Sa bandang huli ang mga taong ito pa ang makakatulong sa iyo upang ikaw ay umunlad at habang buhay na lumigaya. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 6, 12, 17, 26, 27, 39.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Payo ang kailangan marinig sa yo ng isang kaibigan. Pero may palatandaang na sermon ang abutin niya mula sa bibig mo. Magkaganon man, dahil lagi ka naman sinusunod ng kaibigan mong ito, lalong gaganda at mapapanuto ang buhay nya, na tatanawing malaking utang na loob sa iyo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 11, 22, 32, 41, 44.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Lumayo ka sa sobrang mapagpilit, makulit at may gusto sa iyo. Kapag hindi mo nasunod ang nasabing payo ay masusumpungan mong kayo ay kayo na. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 4, 19, 23, 25, 34, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Iyong-iyo ang araw na ito. Walang papayagan ang langit na sinuman na sumira sa pagdating ng iyong kaligayahan. Ang magtangka ay aalisin sa landas ng iyong buhay.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 8,  14, 25, 33, 36, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung hindi mo babawasan ang init ng ulo mo ngayon masisira ang iyong diskarte. Huminahon ka at wag mong gaanong sisihin at alipustahin ang pagkatao ng iyong kapwa lalo na ng mga taong malalapit sa puso mo. Hintayin mo ang tamang panahon magbabago at makauunawa din sila. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 3, 15, 18, 36, 39, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa itaas nagmumula ang sikat ng araw na nagbibigay init at liwanag sa bawat may buhay. Natutulad sa pangyayaring ito, ang iyong suwerte. Sa itaas din magmumula at manggagaling ang iyong magagandang kapalaran kaya kahit hindi ka magsikap maraming mga biyaya at pagpapala ang hindi kapani-paniwalang lalaglag sa iyong harapan at pupulutin mo na lamang isa-isa. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 18, 23, 32, 41, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ikaw ngayon ang sentro ng atensiyon. Lahat ay pinag-uusapan ang ipinamalas mong lakas ng loob. Gagayahin ka nila pero baka hindi nila kaya ang iyong husay at galing.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 11, 21, 27, 42, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Napakalakas ngayon ng iyong karisma. Kahit ang mga nakagalit mo ay makikitang naaakit sa iyo. Kaya naman sa araw ding ito ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa na ring maglalapitan sa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  5,  17,  21,  33, 41, 44.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kailangan mo ngayon ang isang kakuwentuhan na makikinig sa iyo na hindi ka sasalungatin. Puntahan mo ang palagi mong nakakatsikahan na iyong kaibigan at kaugali. Kapag nagkakuwentuhan kayong dalawa, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  1, 19, 28, 31, 34, 40.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here