Dear Maria: Love ko si Titser

Dear Maria,

Masasabi kong mapalad ako at naging Titser ko si Sir Dave. Kahit kasi sobra akong nahihirapan sa Math ay tinuruan niya ako. Sabi niya sa akin kamukha ko raw ang namatay niyang kapatid kaya gusto niyang alagaan ako. Ang problema lang, in love na ako sa kanya. Sasabihin ko ba sa titser ko ang feeling ko? — Martina

Martina,

Kung sasabihin mo sa titser mo ang iyong damdamin, may mababago ba? Sinabi na nga niya sa’yo na younger sister lang ang turing niya sa’yo tapos ikaw ay ipagtatapat mo sa kanya na in love ka. Well, maaari mo namang gawin ‘yan, kailangan ay maging handa ka lang na iiwasan ka na niya kapag nalaman niya na nagugustuhan mo siya.

Kapag nangyari iyon, mas masasaktan ka lang kaya kung ako sa’yo ay itikom mo na lang ang bibig mo. Saka, hindi ako naniniwalang love ang nararamdaman mo para sa’yong titser. Mas masasabi kong hinahangaan mo siya dahil na sa binibigyan ka niya ng atensyon at hindi lahat ng titser ay mag-i-exert ng effort para pagtiyagaan kang turuan sa Math.

Ang maigi mong gawin, gawin na lang siyang inspirasyon o kaya naman ay siya ang gawin mong standard sa pagpili ng magiging kasintahan mo. Gayunman, sa tingin ko ay masyado ka pa namang bata para isipin ang tungkol sa pag-ibig. Ang dapat mong gawin sa ngayon ay mag-aral mabuti.

Isipin o muna ag tungkol sa’yong kinabukasan. Mag-aral kang mabuti ngayon para makakita ka ng magandang trabaho sa hinaharap. Kung may feelings ka sa titser mo, gawin mo siyang inpirasyon. Mas makabubuti kung itago mo na lang ang feelings mo sa kanya para naman di ka mabigo kung sabihin niya sa’yong di pwedeng maging kayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here