Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 17, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 17, 2019,  Martes –  Iyo ang araw na ito. Ito ang itinakdang araw kung kailan puwede mong hilingin sa langit ang iyong pinakagustong mangyari sa buhay mo at siguradong magkakatotoo. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mamamangha ka sa mga pangyayari sa araw na ito, kusang kikilos ang kapalaran upang ang kabuhayan mo ay madagdagan ng madagdagan. Kaya lagi kang magpasalamat sa Maykapal, at bilang pasasalamat hanapin mo ang isa sa pinaka-mahirap mong kaibigan, bigyan mo siya ng kaunting tulong pangpinansyal. Sa ganyang paraan, mamamalagi sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi ka dapat maging sunod-sunuran sa kapritso ng ibang tao. Mas maganda kung ano ang iyong gusto yon mismo ang gawin mo. Sa ganyang paraan ang suwerte at magagdang kapalaran ay magpupuntahan sa iyo.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Oo mahalaga ang salapi at maraming pera, pero higit na mas mahalaga na wala kang sakit, malakas at masigla. Bawas-bawasan mo ang mga aktibidad mo dahil higit kailanman mas kailangan mong pahalagahan ang iyong kalusugan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag kang mainip, nakahanda na ang mangyayari, bibigyan ka ng langit ng mga kaibigan na talagang maaasaha mo. Higit pa sila sa mga kapamilya mo. Sila rin ang magtutulak sa ‘yo para ikaw ay magtagumpay at maging maligaya sa buhay mong ito. At ang mga kaibigan mong ito ang magbibigay sa iyo ng kakaibang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Huwag mong pagdudahan ang kagandahang-loob ng isang bagong kakilala. Siya ay tapat at mabuti ang kanyang motibo sa pakikipagkaibigan sa iyo. Siya rin ang lihim na padala ng langit upang ikaw ay tulungan at bigyan ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Napakalinaw ngayon ng iyong liwanag. Ikaw ang magiging ilaw ng mga humahanga sa ‘yo. Gabayan mo sila hanggang sa sabay-sabay kayong magtagumpay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Ikaw na mismo ang makararamdam na paganda na ng paganda ang iyong buhay. Lalo mo pang isabuhay ang pagiging masinop upang iyong mapangalagaan ang iba pang mga suswerteng nakatakdang dumating sa iyong buhay hanggang sa mabili mo ang lahat  ng bagay na gustong-gusto mong bilin at upang ang mga pangarap mong mapunta sa iyo ay lubusan mo ng maaangkin. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Lihim na pinagmamasdan ng nakatataaas sa iyo ang iyong mga kilos. Lihim din siyang humahanga dahil mabilis mong natatapos ang iyon mga obligasyon. Kaya lihim ka rin niyang padadalhan ng suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang paskong ito kakaiba ang suwerteng dala-dala mo, dahil kung saan ka makikita, na narooon ang suwerte, dahil ikaw mismo ang larawan na nagbibigay ng suwerte sa kapwa mo nilalang. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi nilikha ang mga paa ng tao para siya ay umatras, kundi ang paa ay para humakbang pasulong. Kaya ano’t naduduwag ka? Sumugod ka at harapin mo ang bawat hamon ng buhay. Wag kang matakot, gagabayan ka ng langit kaya makaaasa ka na ikaw ay magwawagi at magtatagumpay. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw na kailangang maghari sa iyo ang pag-ibig at pagbibigay sa kapwa. Wag na wag kang papayag na talunin ka ng kadamutan at pagiging makunat. Sapagkat kapag naging palabigay ka lalo na sa paskong darating, ang suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa ng bubuhos sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nagbabalita ang araw na ito na kung tututok ka sa iisang hanap buhay lamang o iisang kalakal, aangat ng todo ang iyong kabuhayan sa pamamagitan ng pagdating ng malalaking kita na ngayon mo lang mararanasan sa kasaysayan ng iyong buhay. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here