Pagkamatay Ni Mico, Depresyon Nga Ba Ang Dahilan?

Nang pumutok ang balitang namaalam na ang aktor na si Mico Palanca, agad ding naglabasan ang mga espekulasyon na ang ikinamatay daw nito ay suicide sanhi ng depresyon. Ito ang kumakalat ngayon sa social media. Bagamat wala pang kumpirmasyon sa tunay na naging sanhi ng kamatayan ng aktor, kung ito man ang dahilan ay nakakalungkot . Dahil ang depresyon ay walang pinipiling biktima. Mayaman ka man o mahirap, kapag dinapuan ka nito ay sadyang kakailanganin mo ng mga taong magiging kaagapay at makakatulong sa’yo. Hindi biro ang pinagdaraanan ng isang taong may depresyon. Maaaring tinatawanan lang ito ng iba subalit isa itong karamdamang dapat seryosohin. Lalo na at ang taong may depresyon kalimitan ay hindi mo agad mapapansin. Pwede mo siyang makitang nakangiti at masaya but deep inside ay meron na pala siyang depresyon. Sa oras ng kanyang pag-iisa ay dito na siya aatakehin nito. Malawak ang usapin na ito kaya madalas pa ring pagdebatehan.

Ito ang naging pahiyag ng pamilya ni Mico sa kanyang pagpanaw. “ We are extremely saddened and heartbroken by the sudden passing of our beloved brother, Mico Palanca. The whole family is grateful for the incredible outpour of love and support that has been coming in today. As of now, we would like to respectfully request for privacy as we go through this very difficult time. Again, we appreciate all the love and support. Thank you so much.”  Si Mico ay naging bahagi ng Tabing ilog, Gimik 2010, It Might Be You, Kaytagal Kang Hinintay, Love is only in the movies, Panday, Komiks, Babaeng Hampaslupa, K2BU at nagkaroon din siya ng maikling role sa Ang Probinsyano. Si Mico ay mula sa pamilya ng mga aktor. Ang kanilang lolo na si Armando Goyena ay isang matinee idol noong 1950’s, habang ang lolo naman niyang si Carlos Palanca Jr ay isang philanthropist at ang kanyang kapatid na si Bernard Palanca ay kilala rin bilang aktor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here