Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 15, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 15, 2019,  Linggo –  Nagbabalita ang araw na ito na bukas ang bintana ng langit para sa iyo. Ito rin ang araw na ang nawala sa iyo ay mapapalitan ng mas marami at mas malalaking mga bagay. Bilang pasasalamat sa panig mo dalawin ang iyong mga kakilala  na kapos-palad at mamudmod ka ng mga biyaya sa kanila. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

ARIES  (Marso 21 – April 19) Malalayong lugar ang iyong mapupuntahan. Iba’t-ibang bansa rin ang iyong mararating. Huwag mong sayangin ang mga pagkakataon, i-enjoy mo ang life at i-enjoy mo rin ang mga paglalakbay at pamamasyal na gagawin. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ito ang araw na inaanyayahan ka ng kapalaran na makibahagi ka sa paglilinis at pagpapaganda ng iyong bahay. Alisin ang mga luma at sira-sira ng bagay at palitan ng bago. Kapag nagawa mo, makaaasa ka na ang mga magagandang kapalaran ay mabilis ng mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Ngayon ay masaya ka, ngayon ay malakas ka, pero paano na bukas? Ngayon pa lang, bawasan ang iyong sipag at pagpapagod. Oo mahalaga ang yaman dito sa mundo pero ang higit na mas importante ay ang wala kang sakit na sisingil at magpapahirap sa iyo. Ngayon pa lang alagaan mo na ang iyong sarili at bigyang pansin ang malusog na pamumuhay.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ikaw ang taong mabait at mapagpasensya. Pero hindi ka nila dapat punuin o galitin, dahil kapag kinalos ang salop, tunay ngang ibig sabihin nito ay masama kang magalit. Sa panahong ito ng kalamidad, iwasan mong magalit, sa halip, panatiliin ang masaya at matulunging desposisyon sa buhay. Sa ganyang paraan lalo ka pang susuwertehin at magtatamo ng mas magaganda pang mga kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi isang laro ang buhay! Maging seryoso ka upang seryosong kapalaran at seryosong tao rin ang mapunta sa iyo. Ang mga mahaharot, palabiro at mga saya lang ang gusto sa buhay ay layuan mo agad, dahil darating ang araw lalaruin din sila ng kapalaran. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mababawasan ang iyong saya dahil matututok ang pansin mo sa isang kakilala na maraming problema. Alalayan mo siya sa abot ng iyong makakaya, dahil habang umaalalay ka sa mga taong namomoblema tuloy-tuloy kang pagkakalooban ng langit ng mga biyaya at mga pagpapala. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Magiging tagapamagitan ka sa dalawang hindi magkaintindihan. Maganda ang iyong papel may kaunting gastusin sa iyong panig para magampanan mo ito, pero pagkatapos naman nito, malaking biyaya at kagalakan ng puso mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang magbitaw ng maaanghang at mapanlait na salita. Hindi dahil sa may magagalit sa ‘yo, kundi dahil lalayuan ka ng magagandang kapalaran na dapat sana para sa ‘yo. Ang kagulat-gulat pa nito, ang magagandang kapalarang ito ay mapupunta sa mga taong pinagsalitaan mo ng hindi maganda. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Suwerte ka ngayon, kaya dapat lalong mag-ingat ang inggit na inggit sa iyo dati pa dahil hindi nila maubos maisip kung bakit ang suwerteng gusto nila ay sa iyo napupunta. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kung magsuot ay simple lang, pero siya ay mayaman. Kung magsalita ay matipid, pero siya ay maraming nalalaman. Ito ang pang-unang impormasyon tungkol sa isang taong padala ng langit na maghahatid sa iyo ng magandang kapalaran. Nasa sa iyo ang pagpapasya kung siya ay gugustuhin mo at tatanggapin sa iyong buhay. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hinihintay ng isang kaibigan ang iyong pangako sa kanya. Hindi siya dapat mabigo dahil siya ang nakakubling anghel na ipadala ng langit para sa ‘yo upang gabayan ka, tulungan at alalayan ka habang buhay. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Masaya ka ngayon na para bang hindi ka malulungkot. Ibahagi mo ang iyong ligaya sa mga malalapit sa iyong puso. Kailangana mo sila at sila ang tutulong sa iyo sa mga panahong nagigipit ka. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here