Pakaingatan natin ang ating mata higit lalo sa ating mga anak

Ang paningin ay isa sa pinaka importanteng senses natin dahil kapag hindi tayo nakakakita parang balewala din sa atin ang ating buhay, dahil hindi mo makikita ang liwanag at ibat-ibang mukha ng mga tao. Kaya dapat bago manganak ang isang nanay ay dapat magpa prenatal ito at dapat kumakain ng tama para sa pag develop ng paningin ng mga babies sa sinapupunan at sa paglabas nito. Pagkatapos manganak kailangan mapatignan ang mga mata ng  sanggol kung may congenital problem ba ito o wala., Dahil Kung mas maagang makikita ang problema sa paningin ay mas maagapan pa ito agad.

Habang lumalaki ang bata ay 80% sa nakikita nito ang natutunan nito. Kailangang makakita ng maayos ang isang bata at magiging komportable ito pagtingin sa malayo o sa malapit lang. Importante sa isang bata na makakakita ng maayos dahil maapektuhan ang buhay nito habang siya lumalaki, at upang ma explore niya kung anong meron tayo sa mundong ito. Isa pa ang paningin ay importante sa pagsusulat at pagbabasa, kapag ang bata ay may problema sa paningin makakaapekto ito sa kanyang kaalaman.

Minsan ang mga batang hindi niya alam na may problema siya sa paningin, parang kuntento na ito sa sa kung  ano man ang nakikita niya kahit blurred ang paningin niya. Saka na niya marealize na may problema siya sa paningin paglaki nito.

Kapag ganito Ang mangyayari sa isang bata na magkakaproblema sa paningin, magiging frustrated it, nahihiya sa mga classmates nito dahil kapag tinatawag it ng kanyang titser at pinapabasa kung anong nakasulat sa blackboard ay hindi nito mababasa ng maayos at pagtatawanan pa ito sa mga kaklase nito. Napakahirap ng ganitong sitwasyon para sa isang bata. Kaya dapat ang mga buntis ay dapat mag-iingat sa binubuntis nila dahil ang mga bata ang magiging kawawa paglaki nila. Kung maagapan naman agad ang ganitong problema ay magagamot ito kaagad, pero siguro para lang sa mga mayayaman, paano Kaya magagamot agad ang isang mahirap na bata, kung wala man lang itong pambayad sa pagpapagamot? Ito ang pinakamahirap na sitwasyon sa isang bata lalong-lalo na sa mga mahihirapan dahil mahirap na nga ito ay nahihirapan pa ito dahil sa kalusugan nito.

Ang mga sumusunod ay iyong nararamdaman mo kapag may problema ka sa paningin.

*Napapapikit ka sa tuwing tumingin ka sa malayo

*Kung hindi naman ay ang isang mata mo lang ang makakakita ng maayos at ang isa ay malabo

*Kapag may binabasa ka ay kailangan pang ilapit aa mukha mo Ang binabasa mo

*Umiiwas sa mga trabahong nasa malapit lang

*Naiba ang sinasabi sa tuwing may binabasa ka

*Nawala sa lugar sa tuwing nagbabasa

*Kailangan pang hawakang maigi ang binabasa upang hindi magagalaw ang binabasa

*Hindi nababasa ng maayos ang maliit na letra

*Laging kinukusot ang mga Mata

Kadalasan ang taong may problema sa paningin ay iyong mga taong may diabetes, Kaya kapag nakaramdam kayo ng ganoon ay magpatingin agad sa doctor bago mahuli ang lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here