Mga Dapat Gawin Para Di Mapikon

Ang pikon ay laging talo, isaksak mo ‘yan sa’yong isipan, bakasakaling sa pamamagitan nito ay makontrol mo ang iyong emosyon. Kunsabagay, may pagkakataon na kahit na anong pagpipigil anggawin mo, di mo magagawang magsawalang kibo na lang. Kaya eto ang Mga Dapat Gawin Para Di Mapikon

Una, humugot nang malalim na buntunghininga. Makagagaan ito sa mabigat mong damdamin. Ulit ulitin mo itong gawin para maglaho ang negatibong emosyon na iyong nararamdaman.

Pangalawa, isipin mong ikaw ang talo kapag nagalit ka. Kahit masakit, idaan mo na lang sa smile ang lahat. Magbingi bingihan ka na lang kapag nakakaramdam ka ng inis sa kanyang mga hirit. Pakatandaan mong mas matutua siya kapag nakikita niyang napipikon ka.

Pangatlo, isipin mong kaya ka niya ginagalit ay dahil naiinggit siya sayo. Kung maaasar ka, matutuwa siya kaya tawanan mo na lang siya at ipakitang di ka apektado para isipin niyang nagsasayang lang siya ng oras na pikunin ka.

 Pang apat, mas marami pang importanteng bagay na dapat gawin. Huwag kang mag aksaya ng oras na mapikon dahil kung may importante kang ginagawa, mawawala roon ang focus mo. Huwag mo gustuhing mangyari iyon.

 Panlima, maging happy ka. Kung masaya ka sa iyong buhay, anumang nega ay di mo papansinin. Magpakatatag ka lang palagi.

 O, napipikon ka ba?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here