Dear Maria: Takot ako tumandang dalaga

Dear Maria,

Malungkot mag-isa, alam ko. Kaya, gusto ko na magkaroon ng asawa pero hindi naman pasado sa standard ko ang mga nanliligaw sa akin. Payuhan mo naman ako ng dapat kong gawin — Julieta

Julieta,

Kung ayaw mong tumandang mag-isa, huwag ka na maging mapili. Iyon nga lang, hindi ka nakakasiguro na magiging masaya ka kung ang lalaking pipiliin  mo naman ay hindi karapat-dapat mahalin. Importante rin siyempre na may damdamin ka sa isang lalaki. Kaya lang, may pagkakataon naman kasi na di ka lang nagbibigay ng pagkakataon sa isang tao para malaman mo kung siya ba ay karapat-dapat mahalin o hindi.

Kung ikaw naman ang tipo ng tao na naghahanap ng perpektong tao, aba, kahit maghintay ka riyan ng ilang dekada, wala kang makikita. Walang perpektong tao. Lahat tayo ay may kapintasan. Sigurado akong may kapintasan ka rin kaya huwag kang maghanap ng perpektong lalaki.

Saka, hindi totoong kapag single ka ay malungkot ka na habambuhay. Ang kailangan lang naman kasi ay maging kontento ka sa buhay mo at tuparin mo ang iyong mga pangarap. Bago ka magmahal ng ibang tao, mahalin mo muna ang sarili mo. Iyan din siyempre ang paraan para makakita ka ng karapat-dapat na lalaki para sa’yo.

Kaya, maigi pa rin talaga na mamili ka ng lalaking iibigin para naman hindi ka magkaroon ng miserableng buhay. Kung minsan nga, mas masarap pa iyong single ka kaysa mayroon kang karelasyon tapos marami ang di pwede. Nakakainis kaya iyon. Kaya, huwag ka na mainip. Kung talagang may taong nakalaan ang tadhana para sa’yo ay darating siya sa tamang oras.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here