Pagrerebond Ng Buhok May Tamang Edad Ba?

Noong araw ang pagpapaganda ng buhok ay ginagamitan lamang ng mga natural na sangkap tulad ng suka, coconut oil at iba pa. Sa panahon ngayon, iba’t-ibang kemikal na ang natuklasan at ginagamit para gumanda ang buhok. Iba’t-iba rin ang pamamaraan nito tulad ng hair rebond, brazillian, relax at napakarami pang hair treatment gaya ng keratin, scalp, hot oil at hair detox treatment. Kaya naman ang mga kababaihan ay napakarami ng options para pagandahin ang kanilang crown of glory.

Pag-usapan natin ang pagre-rebond. Ito ang pinakamabili sa mga kababaihan ngayon lalo na sa mga kabataan. Lalo na tuwing papalapit ang pasko.Talaga namang napupuno ang mga salon ng nagpaparebond bukod pa ang mga nagse-service sa bahay. Pero may tamang edad ba ito? Sa mga nakikita ko ngayon, maging ang mga high school students at kahit pa ang dose anyos na dalagita ay sinusubukan na ito. Kaya napaisip ako at nagresearch tungkol dito.

Ayon sa na-research ko, wala naman talaga itong edad. Subalit ang mga kabataan na ni hindi pa matatawag na teenager ay hindi pa dapat nagsasagawa ng ganito. Masyado pang malambot at manipis ang kanilang buhok para rito. Hindi pa keri ng kanilang buhok ang tumanggap sa mga strong chemicals na ginagamit sa pagrerebond kaya naman ang inaasahang pagganda ng buhok ay maaaring mauwi sa pagka-damage nito. Dapat ka ring maging aware kung ikaw ba na magpaparebond o ang iyong anak ay walang allergy sa mga kemikal na gagamitin dahil kung meron ay huwag mo na itong ituloy. Hindi rin dapat madalas na gawin ang pagpaparebond dahil mada-damage lang ang iyong buhok. Ang sobrang kemikal ay nakakapagpa- dry at nakapagpaparupor ng buhok. Kung ikaw ay nasa edad na para pagdesisyunan ang iyong buhok, dapat mong ikonsidera ang ilang mahahalagang bagay tulad ng mga sumusunod;

1.No allergy

2.Hindi mumurahin o expired ang chemicals na gagamitin

3.Dapat ay may experience na ang hair stylists

4.Hindi marupok ang buhok

Kung wala ka namang budget para sa rebond, mas makakabuti kung pipiliin mo na lang ang mga natural na pagpapaganda ng buhok. Sigurado ka pang hindi mada-damage ang iyong crown of glory. Gabayan din natin ang ating mga anak na babae dahil baka sa inggit nila sa mga kaklase o kaibigan ay masyado silang magmadali at sumobra sa pagpapaganda ng buhok at mauwi lamang sa pagkasira nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here