Paano makapili ng video games para sayo at sa iyong anak?

 Halos lahat ng mga magulang na may trabaho ay halos walang oras na para sa kanilang mga anak, dahil buong araw na nasa trabaho, maaga pang umalis ng bahay at gabi na kung makakauwi dahil sa traffic.

Kadalasan sa mga magulang na may trabaho ay sa gabi nalang nakikita ng kanilang mga anak, minsan maabutan nalang nilang mga tulog na ang mga bata dahil malayo pa ang kanilang pinagtatrabahuan. Gustuhin man nilang alagaan ang kanilang mga anak kaya lang hindi nila magawa dahil sa kanilang trabaho.

Kailangan nilang magtrabaho para sa mga bata, mga gastusin pa pang araw araw na pangangailangan. At kung nag aaral na ang kanilang mga anak ay mas lalong lumalaki ang gastusin  hindi lang sa pang -araw-araw na pangangailangan kundi Isa isang buwan na gastusin.

Dahil wala ng oras para alagaan at turuan ang kanilang mga anak ay naisipan nilang hanapan ng ibang paraan upang matuto ang kanilang mga anak at hindi na malulungkot ang mga ito.

Naisipang bilhan ng video games ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil nalaman nila sa mga eksperto na ang video game ay may malaking benipisyo para sa mga utak ng kanilang mga anak. Paano nga ba piliin ang mga magagandang video games para sa mga anàk natin?

Hayaan nating a ang mga bata ang pumili ng gusto nilang video games, dahil minsan may mga batang gustong laruin  kung ano iyong  nilalaro ng mga kaibigan nila. Sa panahon ngayon ay paglalaro ng video games ang pinaka common na napiling libangan ng mga kabataan ngayon. Ang video games ay nakapagbigay ng excitement at saya sa kanila, dahil may mga challenge at control.Sapagkat mas advantage pa kung tayong mga magulang ang pumili kung anong dapat laruin sa ating mga anak at kung anong dapat bilhin para sa kanila, upang maiwasa ang hindi nababagay na video games para sa kanila. Pwede tayong pumili ng video games para sa atin at para na din sa ating mga anak upang mag enjoy ang buong pamilya. Ito Ang magiging source ng family bonding sa buong pamilya every weekends.

Napakaraming video games na pwede nating pagpilian na magiging dahilan ng pagdadalawang isip natin kung ano ang dapat nating piliin.

Ito ang mga dapat nating gawin upang tayo ay makapili ng maayos ng mga video games.

Una, piliin natin iyong genre ng video games na sa tingin natin ay magugustuhan ng ating mga anak, iyong video games na nakakakuha talaga sa kanilang atensyon. Ngunit sa panahon ng kanilang pagpili sa gusto nilang video games dapat tayong mga magulang ay nakaalalay lang sa kanila upang hindi sila makapili ng video games na hindi nababagay sa mga anàk natin.

Pangalawa, hanapin ang pinaka the best at popular na games sa isang genre sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga information reviews sa internet o sa mga gaming magazines. Pwede din tayong magtanong sa mga sales person kung sa physical store tayo bibili at hanapin ang pinaka popular na games.

Pangatlo, pumili ng video games na sa tingin natin ay nababagay sa edad ng ating mga anak. Tingnan muna ang mga ratings ng video games bago bilhin o ipapalaro  sa ating  mga anak. Kung nakalagay sa themes na may sex/violence ibig sabihin nasa video game din ito. Kaya mag ingat tayo sa pagpili Ng video games para sa ating mga anak at limitahan din ang paglalaro ng video games upang hindi masisira ang paningin sa ating mga anak dahil sa radiation.                                        

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here