Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 12, 2019

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Disyembre 12, 2019,  Huwebes –  Sa araw na ito mapapatunayan mong mas masuwerte ka sa iba, dahil ang suwerte nila ay pansamantala lamang, pero ang sa iyo ay parang patak ng ulan sa panahaon ng tag-ulan, tuloy-tuloy at walang tigil.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Dumating na ang araw na kung kailan magdaragsaan sa harapan mo ang magagandang kapalaran. At ang isa pang masuwerteng balita ay nagsasabing ngayon na ito magsisimula hanggang sa panahon ng kapaskuhan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ito ang araw upang tanggihan mo ang humihikayat sa ‘yo sa isang gawaing pagsasayang lang ng oras at salapi na alam mong wala namang kabuluhan. Sa halip, ituloy mo ang iyong mga ginagawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan at pagpapalago ng kabuhayan. Hindi mo ba napapansin, malapit na malapit ka ng yumaman, isang kembot na lang? Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Dirediretso lang ang ikot ng mundo, kaya ikaw din ay hindi dapat magpapalit-palit ng iniisip at plinaplano. Wag kang magpapalit ng iyong ambisyon dahil wala kang mararating kung magpapabago-bago ka ng direksyon. Nakikita ng langit ang iyong mga pagsisikap kaya abot-kamay mo na sa ngayon ang tagumpay.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sinagot ng langit ang iyong mga panalangin. Bilang panimula sa iyong magandang kapalaran dagsa ang mga tulong at biyaya na iyong matatanggap na kung saan-saan manggagaling. Wala ka naman dapat gawin, kundi tanggap ng tanggap lang at kapag may sumobra, ipamahagi mo ito sa mga mahihirap at kapos-palad upang lalo ka pang suwertehin at magtamo ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kasabay ng paganda ng kapalaran mo ay gaganda rin ang kapalaran ng mga taong malalapit sa ‘yo at ng mga taong nakatulong sa ‘yo. Maiiwan naman at mananatiling mahirap pa sa daga parang pinagdamutan ng tadhana ang mga taong umaway sa iyo at ang mga taong nakaalitan mo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Huwaran ka ng pagiging mabuti. Nakikitang lahat ng nasa itaas ang kabutihang ginagawa mo, kaya sa araw na ito huhulugan ka ng langit ng regalo na labis mong ikatutuwa kahit hindi pa pasko! Ang isa pang mabuting balita, anumang sumobra sa mga biyayang natanggap mo ay iyo na, na magagamit mo sa pamamasyal at pagpapasarap sa buhay.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Ang pagiging abala mo sa hanap-buhay ay magliligtas sa ‘yo sa mga nakaabang na tukso. Kaya unahin mo ang pagpapaunlad ng iyong buhay ng sa ganon ay hindi ka madaig ng tukso at ng tuloy-tuloy ka na ring yumaman. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw na dininig na ng langit ang iyong mga hinaing at panalangin kaya makaaasa ka na anuman ang iyong hilingin hindi ka bibiguin ng nasa itaas. Lakihan mo na ang iyong hiling upang malaking suwerte at magagandang kapalaran din ang sa iyo ay dumating.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ngayon ang takdang araw na makatatanggap ka ng gantimpala mula mismo sa langit bilang premyo sa mga pagtulong mo sa iyong mga kadugo at mga kamag-anak. Wag na wag mong tatanggihan ang nasabing gantimpala, dahil ito ang hudyat na papayaman ka na ng papayaman.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Masuwerteng araw ito para sa ‘yo para simulan ang matagal mo nang binabalak na proyketo sa aspeto ng pagpaparami ng iyong kabuhayan. Umasa kang walang hahadlang, magtutuloy-tuloy na ang iyong pag-unlad at ang paglago ng iyong kabang-yaman. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Dumating na ang takdang araw kung saan, ang mga nawawala sa iyo ay babalik na uli sa iyo, lalo na sa aspetong pangkabuhayan. Kaya nga ang payo ay nagsasabing wag mo uulitin ang pagkakamli mong ginawa noon mga nagdaang panahon. Mabuhay ka na ng mabuti at matuwid dahil marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw upang pasiglahin mo pang lalo at pasayahin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang tagumpay mo sa buhay. Kailangan mong gawin iyan, upang maging masaya ka, dahil kapag masaya ka, susuwertehin ka uli ng susuwertehin! Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here