Mga Paraan Para Maging Mabuting Ina

Hindi madali ang maging ina lalo na’t i mo naman araw araw na nakakasama ang iyong anak o mga anak. Nasa modernong panahon na tayo ngayon kaya kung anong kayang gain ng mga kalalakihan ay kayang kaya ring gawin ng mga babae. Di naman kasi lahat ng ina ay mayroong asawa. Marami na rin kasing single mom sa panahong ito. Iyon nga lang, di katwiran iyon para makalimutan mo ang iyong responsibilidad kaya kung nanay ka na, kailangan mong malaman ang Mga Paraan Para Maging Mabuting Ina

Una, alagaan ang sarili. Para magawa mong responsibilidad mo sa’yong pamilya, lalo na sa’yong anak, kailangan mong maging malusog palagi. Kaya, huwag  mong abusuhin ang iyong sarili. Tandaan mo, kapag nagkasakit ka at ikaw ang nag aalaga sa’yong anak, malaki ang tendensiya na mahawa lang siya.

Pangalawa, maglaan ng oras sa kanyang mga anak. Kahit pa sabihin mong abala ka sa kakakayod, kailangan mo pa ring bigyan ng atensyon ang iyong anak. Makabubuti siyempreng habang lumalaki siya ay nararamdaman din niya ang iyong pagmamahal. Kamustahin mo ang kanyang pag aaral, at makipagkuwentuhan ka sa kanya.

Pangatlo, maging responsable sa pamilya. Kung mayroon ka namang asawa at maganda naman ang kanyang kita, mas makabubuti kung mag concentrate ka na lang sa inyong pamilya.

Pang apat, purihin ang kakayahan ng iyong anak. Ikaw na ina ang dapat na maging number one fan ng iyong anak. Suportahan mo siya palagi lalo na kung ito ay may kinalaman sa kanyang pangarap.

Panlima, maging tapat sa’yong mga anak. Sabihin mo mang makasasakit sa kanya ang katotohanan, kailangan mo pa ring sabihin iyon sa kanya. Higit kaninuman, ikaw ang dapat na maging totoo sa kanya.

O, kaya mo ba itong gawin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here