Dear Maria: Sinugod ng Kabit ni Mister

Dear Maria,

Alam ko naman na may babae ang aking mister pero nanahimik ako dahil mahal ko siya at ayokong iwanan niya ako. Kaya lang sumugod sa akin ang kabit ng aking mister para sabihin sa akin na pawalan ko na ang asawa ko dahil di naman niya ako mahal. Ano ba ang dapat kong gawin? 

Sandra

Sandra,

Huwag mo sabihing susundin mo ang sinabi sa’yo ng kabit ng mister mo. Ikaw din  ang lalabas na uto uto niyan. Kung talagang di ka na mahal ng mister mo, hihiwalayan ka na niya at di na kailangan pang sumugod ng babae na ‘yan. Kaya, huwag mo siyang susundin. Makabubuti rin kung mag uusap kayong mag asawa.

Tandaan mo lang, kailangan mong maging handa sa kung anumang kahihinatnan ng pag uusap ninyo. At kung talagang gusto niya na iwanan ka,  hayaan mo na siya. Kahit naman kasi mahal  mo ang isang tao kung di na ganu’n ang nararamdaman niya para sa’yo, wala ka nang magagawa pa. Talaga sigurong kailangan mo ng tuparin ang kanyang hiling.

Kung may anak kayo, sa kanya mo na lang ibuhos ang iyong pagmamal. Ang kailangan lang, suportahan niya ang inyong anak kundi pa naman nakapagtatapos ng pagtatapos ng pag aaral. Komunsulta ka rin sa abogado. Bukod sa suporta, maaari ka ring mag file ng reklamo sayong mister at sa kanyang kabit kapag sila ay nagsama.

Ano nga ba ang dapat mong gawin? Pag isipan mong mabuti.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here