Tips Kung Paano Dapat Itrato Si Wifey

Kung isa kang lalaki at pinakasalan mo ang isang babae, ito ay nangangahulugan na siya ay makakasama mo sa habambuhay, magiging ina ng iyong mga anak at magiging kaagapay mo sa iyong pagtanda kung kaya naman dapat lang na itrato mo siya ng tama. Kaya kung ikaw ay magpapakasal, siguraduhin mo sa sarili mo na ang pagmamahal mo sa kanya ay malalim at pangmatagalan upang ang pakikisama mo sa kanya ay hindi humantong sa pagkasawa at pagkasira ng inyong pamilya. Narito ang ilang tips kung paano mo siya dapat itrato ng tama.

1.Kausapin mo siya ng maayos at iwasan na sigawan dahil masasaktan mo siya sa paraan pa lang ng iyong pagsasalita. Dapat mong iparamdam na meron kang respeto sa kanya bilang babae at bilang iyong asawa.

2. Kung meron kayong hindi pagkakaunawaan ay kausapin siya sa pribado ninyong silid at huwag sa harap ng inyong mga anak o sa harap ng ibang tao lalo na sa maraming tao dahil mapapahiya lang siya.

3. Huwag mo siyang ikumpara sa kahit na sinong babae lalo na sa kaibigan mong babae dahil pag-uugatan ito ng kanyang selos at insecurity.

4. Huwag mo siyang pagsasalitaan ng masasakit na hindi niya makakayang lunukin at hindi niya kayang tanggapin. Tatak ito sa kanyang isip at susugat ng malalim sa kanyang puso.

5.Huwag kang magtago ng sikreto sa kanya dahil daig pa niya ang NBI at FBI. Sa oras na matuklasan nya ang iyong lihim ay sasabog siya na parang bulkan o kung hindi man siya sumabog ay paiiralin niya ang silent war sa pagitan ninyong dalawa.

6.Huwag mo siyang pintasan dahil labis siyang masasaktan. Kung hindi ka na nagagandahan sa kanyang katawan ay i-encourage mo siya sa ibang paraan. Kadalasan ang nagiging sanhi ng pagbabago ng katawan ng babae ay dahil sa pagdadalantao niya, isinasakripisyo niya ang pangangatawan at sariling buhay para mabigyan ka ng anak at hindi mo ito dapat kalimutan.

7. Pasayahin siya sa mga mahahalagang okasyon sa buhay niya tulad ng birthday, wedding anniversary ninyong dalawa at women’s day.

Ilan lamang iyan sa mga maaaring gawin ng isang lalaki para sa kanyang wifey. Tandaan nyo mga mister, happy wife is happy life.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here