Dear Maria,
Pinagtatawanan ako ng mga kabarkada ko dahil na in love ako sa tomboy. Alam ko naman na may katwiran sila kaya lang di ko talaga kayang di siya mahalin. Sabihin mo kung ano ang dapat kong gawin.
Albert
Albert,
Umiinit naman ang ulo ko dyan sa mga kabarkada mo, akala mo kung sinong manghusga. Akala ba nila, madali ang umibig. Naku, maling mali sila riyan. Kaya, wala silang karapatan na pagtawanan ka. Ang dapat nga ay unawain ka nila dahil sobrang sakit ang mabigo. Kung ikaw ay di naman sinusuportahan niyang mga kabarkada mo, buti pang iwasan mo lang dahil para namang wala silang kuwentang kaibigan.
Ang tunay na magkaibigan naman kasi ay nagdadamayan at di niloloko ang damdamin ng isa. Saka, kahit naman siya ay isang tomboy, babae pa rin iyan.Iyon nga lang kailangan ka din naman nilang imulat ka sa tunay na sitwasyon. Kaya kung ayaw na nilang masaktan ka, ipinamumulat na lang nila sa’yo ang katotohanan kaya unawain mo rin Iba ang gusto ng mahal mo.
Kaysa naman pahirapan mo pa ang sarili mo, hanap ka na lang iba. Malay mo isang araw ay makita mo rin ang taong pag aalyan mo ng forever.