Negatibong Tao, May Pag-asa Pang Magbago

Habang may buhay may pag-asa. Iyan ang dapat na maging motto natin para sa mga taong sobrang negatibo. Yung tipong konting paghihirap ay nirereklamo. Yung hindi masaya sa biyayang tinatamo ng kanyang kapwa at ang laman ng kanyang puso ay puro galit, inggit, selos at kapighatian. Napakaraming ganyan sa paligid natin. Kahit pa yung mga akala natin ay masaya para sa atin dahil iyong ang ipinapakita nila, but deep inside ay iba na pala ang iniisip at nginangatgat na pala ng pagkasuklam ang kanilang puso. Ang hirap kapag ganyan ka-negatibong tao ang nakasalamuha mo dahil hindi mo alam na bitter na bitter na pala siya sa’yo. At dahil hindi niya mailabas sa’yo ang kanyang galit kaya sa iba na lang niya ito ilalabas. Kaya sa ibang tao ikaw ang siyang mapapasama. Ang sad diba?

Pero ano nga ba ang dapat gawin sa mga ganyang klaseng tao? Dapat ba talaga e iwasan natin sila? Siguro kailangan lang nilang makatagpo ng tao na uunawa sa kanila at hihilahin sila mula sa pagiging negatibo hanggang sa pagiging positibo. Kung habang may buhay may pag-asa, malamang ang mga tulad nila ay may pag-asa pa ring magbago. Unang-una sa lahat ay dapat malayo sila sa mga kapwa negatibong tao na nakakaimpluwensya din sa kanila. Gayundin sa lugar na naglulugmok lang sa kanila sa hindi magandang pananaw. Dapat ay bigyan natin sila ng pag-asa at ipasilip sa kanila ang ganda ng mundo na kanilang ginagalawan. Na meron pang bahagi ang mundo na pwede silang maging masaya at may mga tao na makakaintindi sa kanila. Dapat sa mga ganyang tao kinakausap ng masinsinan. Kinakaibigan at iniimpluwensyahan ng magagandang gawain. Turuan silang tumanggap sa mga tao, sitwasyon,kaganapan, kabiguan, kasiyahan at pananaw ng iba. Kung sila ay lalayuan ng kanilang kapwa, hindi na sila magbabago. Kung walang magbibigay pansin sa kanilang ginagawa at walang magtutuwid sa kanilang mga pagkakamali, sila ay magpapatuloy sa pagiging negatibo hanggang sa kanilang huling hininga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here