Dear Maria: Adik daw si Labs kaya inaayawan ng Pamilya

Dear Maria,

Mahal na mahal ko ang aking boyfriend kaso di siya tanggap ng pamilya ko dahil mukha raw adik. Ipaglalaban ko ba siya o iiwanan?   

Marife

Marife,

Kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo siya. Ang tanong, mapapanindigan mo ba? Kahit kasi gaano mo siya kamahal, mahirap pa ring kalaban ang pamilyang kumokontra sa pag ibig na nararamdaman mo. Di iyan magtatagumpay.

Gaano mo ba kakilala? Mukha lang ba siyang adik o baka talagang nagbibisyo siya? Ikaw ang higit na nakakakilala. Maaari rin namang di mo nakikita ang kanyang kapintasan at maling gawa. Kapag nagmamahal ka kasi, wala kang ibang nakikita kundi ang kanyang kaguwapuhan. Perpekto ang tingin mo sa kanya kaya naman di mo tanggap ang opinyon ng iba.

Tandaan mo sana na mahal ka ng pamilya mo kaya di nila gugustuhin na mapahamak ka. At ang pinakamagandang solusyon ay ipaalam sa’yo ang kanilang opinyon. Kahit naman ganu’n, ikaw pa rin ang magdedesisyon ng dapat mong gawin. Sana lamang maging matalino ka. Di pwedeng puso lang ang iyong paiiralin, gamitin mo rin ang iyong utak. Iyan ang paraan para di ka magkaroon ng miserableng buhay.

O, sana ay nagawa kitang matulungan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here